Level Twenty One - Lalaine

182 10 13
                                    

SN: May Point of View ULIT siya dito pero limited lang. Quota na kayo eh~

---

- L E V E L  T W E N T Y  O N E -

"Anong english ng singsing at tatlong hari?" tumingin ako sakanya. Hindi ko rin alam bakit ako sumunod sa kanya pero in some way, natuwa ako. Hindi ko rin inakalang sa ganitong pagkakataon siya ang makikita ko. Akala ko dati imposibleng yung taong nagpapalungkot sa'yo ay pwede ring magpasaya sa'yo. Pero naisip ko rin... na pwede palang both. 

"A-ano po?" naguguluhan kong sagot. Sa ganitong sitwasyon, nagawa pa niyang magtanong niyan? Ayos.

"Aringkingkingking."

"Alam mo sir, kung magjojoke ka kailangan iniinform mo po ako, para ready naman yung tawa ko."Ngumiti lang ako habang sinasabi yun. Gusto ko sanang matawa eh, kaso nagbuffer pa ng kaunti yung utak ko sa sinabi ni Sir. Biglang ginulo ni Sir yung buhok ko.

"Tara na nga, may pinapagawa pa ako sa mga kaklase mo eh." Naglakad na si Sir pero ako nakatayo pa rin.

"Isa pa pong gulo ng buhok ko, guguluhin ko na buhay mo." sabi ko sabay ayos ng buhok ko. Si sir? Ayun, naglalakad pa rin. Psh!

"You already did."

5pm na. Ngayon pa lang ako makakauwi kasabay ng apat ko pang kaklase. May pinagawa lang sa amin si Ma'am, eh masisipag. Wala rin naman akong gagawin sa bahay... So, nagvolunteer ako. Ay hindi pala, pinilit. Nasa hallway na ako ng maramdaman kong magvibrate yung cellphone ko sa bulsa.

Si mother pala. Pinapauwi na ako, kaso ayoko pa. Gusto ko munang dumaan sa 7-11, kaya tinext ko muna nang 'Laters, baby'. Okay joke lang yun. 

"May pagkakataon na yung dahilan ng pagiging masaya natin, siya rin ang dahilan ng pagiging malungkot natin..." tinignan ko yung nagsalita. Hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin pa rin siya sa libro niya. "Pero may pagkakataon rin na, hindi ganun yun." Kung hindi ko lang 'to kaklase noong 1st year, siguro tumakbo na ako. "Know the Difference, Kai.. Know it." Wait, KAI daw diba? So, para sa akin yun?

Hindi, sa pintuan yun. Kai yung pangalan ng pintuan.

Lumingon ako sakanya pero naglalakad na siya palayo.

Hays.

Kahit kailan talaga 'to si Lalaine. Maganda sana siya kung mag-aayos lang eh, maganda naman siya what I mean is ayos babae. Sayang. Pero anong magagawa ko kung gusto niya makain-relationship yung mga libro diba? Pero sa case niya, tahimik nga yun eh. Pero masaya ba? Pwede rin.

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon