Level Twenty Four - All I wanted

160 12 4
                                    

Aircon ko daw kasi siya. haha! Salamat. 

---

- L E V E L T W E N T Y F O U R -

Finally.. Atlast.. Bakasyon na. No more assignments, projects, wala-sa-mga-naturo na exams, lola basyang na teachers at lalong lalo na ang baon. 'Yun lang talaga. Pero okay lang nandito naman na si Papa na galante. 2 days ng nandito si Papa, ang saya nga lang dahil puro shopping doon shopping dito kuha doon kuha dito, ganon talaga eh. 3 to 4 months lang nagiistay dito si Papa kaya every second counts... every centavo counts. 

Pag-gising ko napatingin ako sa cellphone ko, 5am pa lang pero nag-alarm na 'yung cellphone ko. At sino namang hinayupak ang nag-alarm nito? Okay, joke lang. Pero wala talaga akong natatandaang inalarm ko 'to ng maaga dahil wala naman pong pasok. =___=

Napainat ako. Hayyy! Ang sarap talaga ng buhay bakasyon kung hindi lang talaga nagalarm 'tong abnormalite na cellphone ko.. Walang sermon galing sa teachers.. Walang sir Melvin at siyempre walang Hyu--

Napatigil ako sa pakikipagusap sa sarili ko nang may kumatok sa kwarto ko. Bakit ba ang aga nilang mambulahaw? Hays, lumapit ako sa pintuan. Nawala tuloy antok ko... Pinihit ko ung doorknob at binuksan..

These past few days talaga lagi nalang nasa isip ko si Hyunsu, pero ano bang bago dun? Nung sinundo nga namin si Papa sa Airport, napagkamalan kong kakauwing forenjer/foreigner si Hyunsu eh. Tapos noong kumain kami sa Max's, napagkamalan ko naman siyang crew doon. At eto pa malupit, oo malupit talaga kasi ganito yun..

Galing ako sa bilihan ng BBQ nung gabing 'yun dahil wala lang, trip ko lang. Sarap na sarap ako sa pagkain ko ng Inihaw na Brownies nang madaanan ko 'yung kantong bahay sa harap ng ihawan. Ang daming tao sa labas may mga nagtotongits, sakla at may nagbibingo rin. Dahil concern citizen ako at friendly neighbour na rin. Sinubukan kong silipin ung nasa loob. May patay pala. Hindi ko kilala 'yung mga tao eh, siguro mga taga-probinsya lang na dinalaw ung patay.

Busy sila lahat. Sa labas may mga nagsusugal. Sa loob naman may mga nagchichismisan, may tahimik lang na nagdadasal, may tambay sa lagayan ng biscuit at ung ibang pumasok lang para humingi ng kape. Unti-unti akong lumalapit sa kabaong.. may babaeng humahagulgol dito yakap-yakap ang litrato ng nasa kabaong. Paglapit ko nagulat nalang ako nang makita ko si Hyunsu na nasa loob ng kabaong. Halos mahulog ung eyeballs ko sa gulat noon buti nalang nasalo ko kaagad. Bigla-bigla namang nagsalita 'yung babaeng katabi ko.

"K-kilala mo si Jack?" tuluyan akong nagulat sa sinabi niya. So, si Hyunsu talaga 'to? B-bakit? P...paano nangyari sa kanya 'to? Kaya ba hindi na siya nakikipagusap sa akin? Kaya ba hindi na niya ako pinapansin d-dahil... dito? Napaupo ako sa sahig..B-bakit? B-bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Napangawa ako ng malakas dito.. I can't help myself... Bakit siya nang-iiwan nang hindi nagpapasabi? B-bakit biglang ganito nalang? Nakakainis naman eh. Hindi man lang ako nainform o nabigyan ng invitation.

 

 

"Miss?" sinubukan akong kausapin ng babae pero hindi ko mapigilan umiyak.. "Miss? Ka-ano ano mo po si Jack?" pinunasan ko 'yung luha ko gamit ung kamay ko.

 

Humihikbi pa ako ng sumagot sakanya. "Kaibigan po.." sinubukan kong pigilan ung hikbi ko dulot ng masiyado kong pag-iyak kanina.. "School nurse po siya sa amin.. K-kaaya--" ang kaning tahimik na mga tao, biglang nagbulungan na naman. Napatingin ako sakanila pati na rin sa babaeng nagcocomfort sa akin.

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon