- L E V E L T H I R T E E N -
Nagising ako na nasa kama na niya ako. Pero ako lang yung nasa kama. Nakakadisappoint.
JOKE LANG.
Tinignan ko yung relo ko.
7:32 am.
Wala ng pagasang makapasok pa ako.
Tinupi ko na muna yung kumot na ginamit ko bago pumasok ng banyo para magmumog at maghilamos. Ayoko namang humarap sakanya na may muta at morning breath pa ‘no.
Paglabas ko ng kwarto nakita ko siyang nagluluto.
“Okay na ba pakiramdam mo?” tanong ko.
“Okay na ako.”
“Ahh. Sure ka?”
“Oo.”
“Sige, sabi mo eh. Marunong ka pala magluto?”
“Oo naman..”
“Eh bakit puro instant ung nasa stock mo?”
“Ah.. Yun ba, nakakatamad kasi magluto eh.”
Tumahimik nalang ako. Hiniram ko ulit yung cellphone niya para magtext kay Mama. Sinabi kong kakain muna ako dito bago umalis.
Napa-wow ako dahil ang bago ng niluto ni Hyunsu. “Orange Chicken?!” Waaaah! Parang magasawa lang kami nito ah. Hihihi. Laundy!
Tahimik lang kaming kumakain. Gaash! Ang sarap ng luto ni Hyunsu. Pwede na talaga siya mag-asawa kung ako ung asawa. Hihihi
Pagkatapos namin kumain, nagvolunteer ako na maghugas ng pinagkainan namin. Nakakahiya naman kasi. Kaya maliligo nalang daw muna siya.
BINABASA MO ANG
The Fame Game
Romance[On-going] Kyra, a highschool student who fell inlove with her English Teacher and his Twitter Crush. Who will she choose?