Level Seventeen - Hope vs. Wish

230 9 1
                                    

-L E V E L  S E V E N T E E N -

          

Tuesday. This week puro review at paghahabol ng discussion ang ginagawa ng mga teachers. Sa case ko, isang malaking BAKIT PA? Well, kahit na sabihin nating exempted na ako sa semi-finals kinakabahan pa rin ako para sa Contest. Kahit na sabihin nating exempted ako paano kung hindi ako palarin? Laking kahihiyan naman yun diba?

Balik tayo doon sa puro review at paghahabol ng discussion. First period, nagbabasa ako ng librong Tuesday with Morrie dahil nga hindi ko na kailangan makisali sa mga review nila. Medyo kinig kinig lang ng kaunti. Binaba ko muna yung libro, parang ang ganda kasi ng topic.

“Wish vs. Hope, When we want some action to happen but we are certain that It cannot, then we are wishing for that thing to happen. For example, I wish the feelings are still mutual.”

 

 

sabay-sabay “Ahhh!” ng mga kaklase ko. Yan kasi ang problema pag nasa Top section ka, tuwing mag-rereview na ang teacher doon lang makikinig. Masiyadong confident.

Bigla naman nagtaas ng kamay si Adrianne.

“Parang ganito ba sir, ‘I wish she loves me!’”

Napangiti lang si Sir tapos tinuloy ulit yung discussion.

“When the possibility exists that action can happen, then we are hoping that the action will occur, we use the word ‘hope’. For example, I hope she’ll be happy, soon.”

 

 

Isa na namang wave ng “Ahhh!”

 

 

Hope at Wish? May pinagkaiba pala yun.

Hindi ba pwedeng gamitin nalang yung salitang wish kahit na may possibility na mag-occur yung isang bagay? Wala naman siguro sa word na ginagamit yun, wala naman siguro sa hope at wish yun eh. Nasa tao yun.

May mga taong gumagamit nga ng salitang hope pero ano? Nakaupo lang naghihintay kung may mangyayari ba sa sinabi niya. What’s the use of speaking if you won’t act?

 

 

“Kaya kayo, huwag kayo maniniwala kung hindi niyo pa nakikita.”

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon