Level Fourteen - Acceptance

223 10 4
                                    

 

- L E V E L  F O U R T E E N -

Linggo ng tanghali. Nagsimba kaming tatlo nila Mama. Matagal na rin kasi ng huli kaming lumabas eh.

Paglabas namin ng simbahan bumili muna si Mama ng sampaguita.

 

 

“Ay ma.. Mauna na po kayo. May kakausapin lang po ako sa loob.” paalam ko kay Mama. Tumango lang naman si Mama dahil may kausap pa siya sa cellphone.

Pumasok ako sa kumpisalan.. Hindi ko na kaya eh.. Matagal ko na ring tinatago ‘to sa sarili ko.. Nahihirapan na ako.

Wala pang pari sa kabilang room noong pumasok ako pero ilang saglit lang narinig ko na may pumasok na.

“AHM—“

 

 

 

 

 

 

 

 

“Father.. hindi ko na po kaya.. matagal ko na pong tinatago sa sarili ko ‘to.. nagkasala po ako.. pero Father, nagsisisi naman po ako ng sobra eh.. gabi-gabi po akong nagdadasal.. humihingi ng tawad sa nangyaring yun.. Kahit po alam ko na.. h-hindi na maalis pa yun.. k-kahit na alam kong hindi na mababago pa yun.. nagdadasal pa rin po ako gabi-gabi..

Pero bakit po sobrang nasasaktan po ako? Bakit po lagi nalang ako nasasaktan? Masiyado po bang malaki ung nagawa kong kasalanan? Father… pagod na po ako.. pagod na po akong masaktan. Masiyado po kasi akong na-aattach sa isang bagay na alam kong hindi naman permanente..  Kailan po kaya ako sasaya? Yung totoong masaya? Yung pure bliss po? Yung hindi natatakot na may mangyayaring hindi maganda pagkatapos? Uhmm.. Sorry po Father. Ang drama ko na.” pinilit ko pang ngumiti at tumawa.. Pero.. “Sige po Father.. sorry po talaga.”

Lumabas na ako. Medyo gumaan na yung pakiramdam ko. Atleast, kahit konti medyo nawala. May napagsabihan ako ng hinanakit ko.

Paglabas ko nakita kong nandoon pa si Mama hindi nga lang niya kasama si Korinne, nakaupo sila sa isang bench, may kausap. Dalawang babaeng maputi na medyo singkit. Sino naman kaya yun? Parang kilala ko yung isang babae.. Parang nakita ko na siya.. Saan nga ba yun?

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon