Level Six - Smile

247 9 2
                                    

- L E V E L  S I X -

Wednesday na. At eto ako namamaluktot sa higaan ko. 5:22 na pero hindi pa rin ako natayo. Pangako ko kasi pagkatapos noong malate ako dapat 6:15 wala na ako sa bahay. Ayoko na ulit ma-late no. Pero eto nasa higaan pa rin ako, natatakot na baka bumulwak ang La Mesa Dam.

Alam niyo yung parang gusto minu-minuto naliligo dahil medyo nahihiya na ang biko sa kalagkitan mo? Yung bawal ka tumawa o bumahing man lang dahil anytime magkakaron ng flag ng Japan sa likod mo? Yung kahit konting kalabit lang ng katabi mo gusto mo na siya itapon at ipasagasa sa LRT?

Kaya minsan ayaw ko maging babae eh, Pero it’s part of life eh, May magagawa pa ba ako?

So yun nga, pumasok na ako sa bathroom para maligo.

Malamang, alangan namang maghanap ng Dolphin sa loob, diba?

O sige Kai, basagin ang sarili.

Buti na lang mabilis ako natapos sa morning ritual ko at 5:55 pa lang.

Tinignan ko yung calendar, P.E pala kami ngayon. Psh!

Tumingin muna ako sa twitter, 6pm na lang ako sakto aalis.

Wala pa siyang tweet, kaya ako nalang muna yung nag-tweet.

“Good Morning @hyunsulau, Start your day with a wide smile, Okay?”

-       -

Pagdating ko sa school 6:30 pa lang. Nandoon na si Ma’am AC na lagi namang maaga.

“Morning Ma’am!” bati ko.

Kakaunti lang ang nasa room, lilima nga lang eh, Si Kexiah, Janna, Rica, Irene at ako siyempre. Sila-sila ang magkakagrupo sa room wala pa nga lang yung iba, at siyempre hindi ako kasama sa grupo nila. At hindi rin naman kami magkakagalit.

Lumapit muna ako sa kanila dahil nasa kabilang banda sila ng room. “Morning. Tayo-tayo pa lang?” tanong ko sakanila.

“Morniiiiiiing!” sabay sabay nilang bati. “Hindi, nandito na yung iba nandito na, nag-gagala lang.”

“Ahh.” Nakita ko yung libro na nasa desk ni Rica. “Ate Rica, binabasa mo po yan ngayon?”

“Ay hindi, hihiramin mo ba? Sige, ikaw muna.” Sabay abot ng libro.

“Woow! Sige, thankyou! Mamaya rin pag-uwi tapos ko na ‘to, Promise.” Paga-assure ko. Ngumiti lang siya sa akin at ako naman, umupo na sa proper seat ko at sinimulan ng bumasa.

 6:41 pa lang naman. May 19 minutes pa bago mag simula ang unang klase which is, P.E dahil nga Wednesday kami may karapatan gumamit ng quadrangle.

Tatlong book na ang nabasa ko na gawa ni Bob Ong, una yung Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, Ang mga Kaibigan ni Mama Susan at MACARTHUR. Kaso yung MACARTHUR, Hindi ko pa natatapos. Itong pinahiram sa akin, ‘Ang Paboritong Libro ni Hudas’ sabi ng mga kaklase ko nakakatawa daw ‘to. So sige, Pagbigyan. Haha.

Sandali muna kaming pinatayo ni Ma’am AC dahil prayer. Pagkatapos ng prayer konting discussion lang about sa gagawin namin sa baba. Magba-volleyball lang pala sila, So meron silang 1 and half hour para magvolleyball at ako naman magbasa. Pwede na yun.

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon