Level Twenty Two - Byul

188 8 2
                                    

- L E V E L  T W E N T Y  T W O -

"Ma, nasaan si Kyra?" rinig kong sigaw ni Korinne. Kararating niya lang galing sa classmate niya.

"Nandyan sa sala." rinig kong sigaw ng nanay ko. Nandito pa rin ako sa sala, inaayusan nung hinire ni Mother na makeup artist at hairstylist na rin. Sabi ko pa nga doon sa nag-aayos na, sana wag hard make up dahil ayoko talaga ng make up. Gusto ko parang natural lang, parang wala lang. Alam niyo sabi niya? 'Ay te! Don't worry,  Byutipul and everythaaang ka na! Konting touch touch lang, keriboomboombells na! For surely, Ikaw ang tatanghaling Prom Queen of the nigggggggghtt!'  tapos highnote yung dulo nung huling niyang sinabi.

"Ay ikaw ang sisterette? Pak na pak ang pamilya! Byutipul! Jinggitera si Atashi ah! Mula mudang, shupatid at junanak! Di ko kineri ah! Nagmumukha si atashi na makyonget ditey ah!" natawa naman ako, kanina pa ako nakakarinig ng out-of-this-world language dito. Ang hirap maiabsorb sa utak 'tong sinasabi. Pero infairness, nakakatawa.

"Ay nako, Carlito, itigil mo nga 'yan, hindi ka naman naiintindihan eh." sabay tawa ni Mother, dala-dala ni Mama yung damit na gagamitin ko. Silver ang kulay niya, kung tutuusin hindi ko siya kayang suotin dahil medyo maikli at hindi ako nagsusuot ng sleeveless. Pero mapilit si Mama, gusto niya daw siya mamimili. Akala mo naman siya yung magpoprom diba? Dejoke.

"Ay witchikels ko bet 'yang Carlito, Ma-ma! It's Carla! Carlaaaaaaaa!"

"Oh darling, dilat na. Tapos stand-up na." kakalagay lang contacts ni ate Carla sa mata ko. Since pampa-add ng beauty ko. Okay, nahahawa na ako. Tumayo ako para tignan yung sarili ko sa salamin. Teka, ako ba 'to?

OA lang, Kai?

Iniklian yung bangs ko dahil humahaba na siya tapos yung dulo ng buhok ko kinulot. Yung mata ko nagemphasis siya, sabihin na natin na nagmukha akong doll pero okay lang nagustuhan ko naman dahil hindi masiyadong nag-iba yung mukha ko.

Umalis na rin kami dahil 20 minutes pa ang biyahe papunta doon sa Stellar Gardens kung saan kami magpoprom. Ang gara nga eh, 'yun na yung ginawang winning prize doon sa Spelling Contest namin. Hinatid ako nila Mama at Korinne, si ate Carla naman ay hinatid na rin muna namin sa kanila.

Tinext ko si Althea kung nasaan na siya, nasa Stellar na pala siya kasama si Spencer at Lalaine. At kami?

Na-stuck sa traffic.

Kamusta naman yun diba? 7:13 na at late na ako.

"Ma, wala na bang ibang pwedeng daanan?" nangingiyak kong tanong. Alam niyo namang ayaw ko nalelate diba? May phobia na ako sa pagka-late mula noon eh.

"Oh, yung make-up mo masira. Ako na bahala, for sure hindi pa naman nagsisimula yun." pagpapaalala ni Mama. Tinignan ko yung cellphone ko, hindi na nagtetext si Althea. Nagsimula na siguro. Hays.

Hiniram ko kay Korinne yung headset dahil naglalaro naman siya nung Candy Crush sa iPad niya. Binuksan ko yung music player at pumikit. Ang ganda talaga nitong kantang 'to, kung may pagkakataon lang talagang...

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon