Level Twenty Five - Beles beles

237 13 7
                                    

- L E V E L  T W EN T Y  F I V E -

Anak ng baklang baka. Pukang ama. Shutanginamels. Hindi ko alam kung inaasar ako ng tadhana o ano eh. Lagi akong biktima ng power trip. Inaalala ko nga kung may nagawa akong masama these past few days eh. Kung may nasungitan ba akong pulubi, kung may nabully ba ako o kung may nasira ba akong poster ng kandidato sa mga bakod. Wala nama bukod siguro sa panghuli.

Nandito na kami sa Mindoro. 7pm na. Nagkaroon ng aberya sa Calapan Port kaya napatagal 'yung pagalis namin doon. Madilim na dito sa Mindoro pero napakarami pa ring tao sa daan. Hindi kagaya sa Manila pag-gabi, mainit pa rin. Pero dito mahangin at sariwa pa ang hangin. Pagbaba namin sa bus na sobrang lakas ng aircon na parang nasa Antartica na kami ay dumiretso na muna ako sa C.R, ganon rin naman si Hyunsu. Tinignan ko ung sarili ko sa salamin, nandoon pa rin naman 'yung ilong, tenga, mata at labi ko. Hindi ko pa rin mawari kung sasaya ba ako o mabubwisit.

Hays. Lumabas nalang ako ng Public Toilet. Nakita ko si Hyunsu na hinihintay ako sa labas ng c.r. Nagdiridiretso nalang ako palabas ng Comfort Room at dumiretso sa isang malaking canteen kung saan kami kakain. Nag stop-over muna kasi kami dito since Dinner na. Pagpasok namin doon pumunta agad ako sa bilihan ng mga pagkain. Nagugutom na ako ilang oras rin kaming bumabiyahe, kulang pala ung dala namin ni Hyunsu. Pumipili ako ng ulam ng makita kong nasa likod ko na pala si Hyunsu.

"Ano gusto mo?"  tanong ko kay Hyunsu.

"Kung ano 'yung sa'yo." Sa mga ganitong pagkakataon ang sarap batukan ng mga sumasagot ng ganyan eh. Kung kakainin ko tae, kakainin rin ba niya? Ang ibig kong sabihin, paano kung hindi rin niya pala kakainin ung gusto kong kainin diba? Atleast nagsabi siya ng kahit konting hint kung ano gusto niya. Pero diba mas nakakainis 'yung kahit ano? Kaya next time pag ako talaga papatayo ako ng Kahit Saan Restaurant tapos ang Menu Kung ano yung sa'yo. Kainis!

Bumili nalang ako ng kahit ano. Oo, talagang sinabi ko talaga sa nagtitinda 'yun. Natawa nalang sa akin eh. Isa pang inis 'yun, seryoso akong nagjojoke dito tapos tatawanan ako? Aba, hindi makatarungan 'yon.

Dalawa 'yung tray kaya naghati kami ni Hyunsu sa pagdadala. Pagpunta namin sa mga upuan, wala ng bakante. Great, just great. 45 minutes lang ang stop-over namin dito at hindi pwedeng hintayin pa namin matapos lahat ng nandito. Tingin sa left. Tingin sa right. Shete, bakit walang bakante?

Nahagip ng mata ko 'yung upuan bandang dulo na walang nakaupo. Agad akong pumunta doon dahil marami rin ang naghahanap ng upuan. Sumunod naman si Hyunsu sa akin. Pagkaupo ko doon, inaayos ko ung tray. Tinanggal ko ung mga plato tapos ibinigay sa dumaang naglilinis ng bawat table. Tinignan ko si Hyunsu, nakatingin siya sa likod ko.

"Bakit?" kinamot lang niya yung batok niya sabay yuko. Nilingon ko 'yung tinuturo niya. Putspa lang. Akmang tatayo na ako ng magsalita siya.

"Hindi okay lang, dyan na lang rin kayo kumain. Wala ng bakante oh." tinignan ko ung paligid. Oo nga, wala na. Hays, saglit lang naman ako kakain eh. Umupo nalang ako at umupo na rin siya. Gagalawin na sana nila 'yung pagkain ng magsalita ako.

"Hindi ba kayo magpapasalamat?" tanong ko sakanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon