Prologue

3.8K 26 3
                                    

Prologue




Shane •



Pagbukas ko ng pinto ay kaagad na natanaw ko si Luther na preskong nakaupo sa kaniyang trono.



‘Luther...’



“Ang tagal mo namang dumating?” Tanong niya sa'kin habang prenteng nanonood sa paglapit ko sa kaniya.



“Pinagiisipan ko pa kasi kung paano kitang papatayin,” ngisi kong sabi at kinuha ang isang punyal sa kaliwang binti ko na nakaipit. “Iyon bang dahan-dahan na hanggang sa impyerno ay maaalala mo,” ngumisi siya sa mga sinasabi ko at napangisi rin ako. “Oh, ‘yong biglaan...” Huminto ako at tinutok ang dulo ng punyal sa kaniya. “Biglaan na mas mabilis pa sa isang kurap mo at pagdilat mo ay nakahiwalay na ang ulo mo sa katawan mo.”




“Hmm,” bigla itong tumayo sa trono at nilagay ang magkabilang kamay sa likod nito at nakangiting tumitig sa'kin. “Maghinay-hinay, baka bumaliktad ang sitwasyon at ikaw na ang nakabitay, Shane Dewes.”




Nawala ang ngisi sa mukha ko at napalitan ng galit ang buo kong pagkatao.



“Pwede niyo 'kong pahirapan pero hindi ang anak ko!” Malakas kong sigaw at binato ang punyal sa kaniya.



Pero bago pa man 'yon tumama sa kaniya ay nasalo na 'yon ng isang kawal. Tinignan ko 'yon ng masama na sa sobrang  sama ay pwede na siyang mabaliw. 



‘Huwag kang makisali rito. Kung ayaw mong mamatay.’



Pero nagulat ako sa 'walang reaksyon nito, ani mo'y isang simpleng tingin lang ang ginawa ko.



‘Tangina ka.’




“Kakaiba talaga ang galit ng mga Dewes.” Napabalik ang atensyon ko kay Luther at nawala ang pagtataka ko sa kawal. “Halika rito, buong puso kong tatanggapin ang galit mo.”




Matapos niya 'yong sabihin ay naupo siyang muli sa trono at nakangising tumitig sa'kin.




“Pero kapag namatay ka bago ako,” labas ang ngipin na ngiting sabi niya. “Isusunod ko ang mga anak mo.”





Naging malamig ang paligid.





Pakiramdam ko ay humiwalay ang kaluluwa ko sa'kin dahilan para mawala ako sa katinuan ko.





“Kung gano'n...” nakayuko kong sabi habang natawa na parang baliw. Ilang segundo ang lumipas bago ako natapos sa pagtawa at seryosong sinabi sa kaniyang...




“Hayaan mo 'kong patayin ka!”




“Hayaan mo 'kong patayin ka!”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Kasabay nun ang pagpula ng mga paningin ko at ang naging mabilis na pagkilos ko.


---

Kindly see the GIF for imaginary purposes HAHAHA!

Twins Obsession [ 2 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon