XXI

448 8 0
                                    

Knife

Shane •



Ilang buwan ang lumipas.



Ilang buwan na ang nakakalipas at ang mga bagay-bagay na akala ko madali ay mas lalong humirap.



Kaagad akong tumalon nang mataas para maiwasan ang isang punyal na binato sa'kin ni Jordan matapos no'n ay kumuha ako ng lakas sa hangin para itagilid ang buong katawan ko at umikot sa ginawang pagatake naman ni Jeyden.



Matapos no'n ay mabilis akong bumagsak muli sa lupa, una paa at inatake si Jordan at kaagad hiniwa ang mukha niya! Ngunit mabilis niyang naiwasan ang atake ko at malakas akong sinapak sa braso ko dahilan para maramdaman ko na halos matanggalan ako ng braso!



Pero hindi pa man ako nakakabawi ng lakas ko ay nakaramdam ako kaagad ng sipa sa likod ko!



'Jeyden!'



Kaagad kong inalis sa isip ko ang sakit at inatake si Jeyden ng isang mabilisang saksak sa ulo ngunit natigilan ako ng mahawakan niya ang leeg ko at sinakal ako ng sobrang higpit!



Hindi pa ro'n natapos dahil isang malakas na pwersa ang naramdaman ko sa likod ko na halos ikahati ng katawan ko sa sakit!



'Jordan!'



'AHHHCKKK!!!'



Napasuka ako ng dugo sa ginawa nilang atake na sabay!



Ang higpit ng sakal ni Jeyden ang naging dahilan para unti-unting dumilim ang paningin ko, ang paghinga ko ay naging mahina at ang hangin sa paligid ko ay naging manipis.



"Pwede ka naming patayin ano mang oras ngayon."



Kaagad kong hinabol ang hininga ko matapos akong bitawan ni Jeyden at naibagsak ko sa lupa ang katawan ko.



Ilang minuto pa akong naghabol ng hininga bago ko inangat ang paningin ko sa kanilang dalawa.



'No...'



Ibang tao sila.



Hindi sila ang Jeyden at Jordan na nakilala ko.



Ibang-iba sila sa nakilala ko.



Kaagad akong nakaramdam ng takot at kaba habang nakikipag palitan ng tingin sa kanilang dalawa.



Ang paraan nila ng pagtingin ngayon sa'kin ay animo'y isa akong pagkain na kaya nilanh kaining agad kung gugustuhin nila.

---

Twins Obsession [ 2 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon