Matapos gawin ni North ang hindi makatarungang kilos ay marahan niyang nilapag ang 'walang buhay na bagong silang sa lupa at humarap kay Shane, kay Shane na naluha habang nakatingin sa anak niyang 'walang buhay.
"W-Why?"
Ang hindi makapaniwalang tanong ni Shane kay North habang nakatingin pa rin sa kaniyang anak. Bumuntong hininga naman si North at tumitig kay Shane ng malalim.
"Hindi ko matatanggap na mayroong anak ang mga kapatid ko mula sa'yo."
"P-Pero... a-anak k-ko..." Naging maingay ang iyak ni Shane at hindi na maipaliwanag ang kung ano mang nararamdaman niya.
"Give me the other one, Shane. Papatayin ko rin." Huwalang bulol na sabi ni North kay Shane.
Napatitig si Shane kay North at napatingin sa kaniyang isang anak na nasa bisig niya. Ang anak na nabigay niya ay ang mayroong pulang mga mata. Nilapag ni Shane ang bata sa lupa at tumitig sa kawalan.
"K-Kailangan m-mo b-bang pumatay t-talaga?" Ang hindi kayang itago ni Shane ngayon ay ang pagiging mahina niya.
"For the sake of my family, yes. Hindi maganda ang dulot mo sa'min kaya kailangan kitang patayin, kasama ang mga anak mo."
"K-Kung gano'n..." Dahan-dahang humarap si Shane kay North at tumitig habang natulo ang mga luha. "P-Patayin mo 'ko... pero p-pakiusap... i-ibalik mo ang b-buhay na kinuha mo..."
Hindi napigilan ni North na magulat, ngunit batikan na siya sa pagtatago ng emosyon kaya hindi niya 'to napakita sa kaniyang mga mata at mukha, kundi ang gulat na naramdaman niya ay bumalot sa buong katawan niya.
'Kakaibang talaga...'
Ang nasabi ni North sa isip.
"I am a Royal Guard, not some God." Matapos sabihin 'yon ni North ay mabilis siyang sumugod kay Shane, hinanda ang katawan sa magiging atake. At ang tanging nasa isip lamang ay ang kunin ang buhay ni Shane.
Ngunit si Shane ay hindi na alam ang gagawin. Punong-puno ang isip nang tanong at emosyon na bumabalot sa kaniyang puso. Lungkot, galit, sakit at ang pagiging blanko ng isip.
"Pwede mo 'kong saktan nang paulit-ulit, 'wag lang ang anak ko!"
Ang huling nasabi ni Shane sa sarili bago lamunin ng pula ang kaniyang mga mata.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(KINDLY SEE THE GIF FOR IMAGINARY PURPOSES! MWAPS!)
Ang pagatake ni North kay Shane ay napatigil, mabilis na huminto si North at tumalon patalikod kay Shane.
'Asombrosa...'
Ang naisip ni North, ngunit nagulat na ang distansiya nila ni Shane kanina na magkalayo halos ng ilang hakbang ay ngayon isang dakal na lang ang layo nila sa isa't-isa.
Isang malakas na sampal ang natanggap niya sa mga palad ni Shane at ikinatalsik iyon ng kaniyang katawan.
"Kung hindi mo pa oras mamatay, hayaan mo 'kong ubusin ang oras mo ngayon na!" Mabilis na talon ang ginawa ni Shane palapit kay North at 'walang dalawang isip na sinapak ito sa mukha dahilan para bumaon ang ulo ni North sa lupa.