Together
Shane •
Mabilis ang mga nangyayari, hindi ko na lamang inaasahan ay ako na ang nakahalik sa sahig. Kasunod no'n ay ang magkakasunod na sakit ang nararamdaman ko sa sahig.
Marahan kong inangat ang ulo ko kahit na puno na ang katawan ko ng malalalim na sugat na dahilan para manghina ako. Pero kahit na gano'n ay pinilit ko pa ring maiangat ang ulo ko. At kita ko ang isang lalake na hawak ang mga anak ko.
Isang demonyo.
Maski ako ay hindi maisip na tapatan ito, pakiramdam ko ay naging mahina ako at ang taong nasa harap ko ang siyang katapusan ko.
Mabilis kong naimulat ang mga mata ko at kaagad na napaupo, kasunod no'n ay ang pagsakit nang buo kong katawan!
"Arghh!"
"Warghh!"
"Ahh!"
Kasabay nang pagtanggal ko sa mga kung ano-ano'ng nakadikit sa katawan ko siya namang hirap nito para sa'kin at kinailangan ko pang mapahiyaw sa sakit.
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon. Iniluwa nito ang isang babae na nakasuot na puting uniporme.
"Who are you?"
Do'n ko napagtantong paos ako at hirap makapagsalita.
"How are you feeling, Ms. Shane?" Tanong nito habang nalapit sa'kin, may kung ano siyang pinagpipindot sa katawan ko at pinagkakabit ulit ang pinagtatanggal ko. "I am Nurse Drey. Please don't move for a while. No need remove your lines, Ms. Shane."
"Where am I?"
'Nasa hospital ka tanga.'
"St. Cythe Medical Hospital, Ms. Shane."
"Ano'ng ginagawa ko rito?"
"Bukod sa nagpapagaling, dito ka na rin muna magtatagal. The Twins will handle you for your own sake, Ms. Shane." Matapos nitong ikabit ang mga kung ano-ano sa'kin ay tumitig ito sa'kin. "Hindi madaling harapin ang isang North Vaughn. Kaya nakakapagtaka na buhay ka pa."
'Gano'n ba talaga kadelikado ang lalakeng 'yon?'
Hindi ko alam kung sino'ng North ang tinutukoy niya pero 'wala naman na akong nakalaban maski sa lalakeng nakita ko.
Napatingin ako ulit sa pinto nang bumukas iyon, kaagad na napalitan nang galit ang namamayapa kong katahimikan sa dugo.
'Jordan...'
"Asan ang mga anak ko?!" Mahina ngunit mariin kong tanong sa kaniya habang nalapit siya sa'kin. Napansin ko naman ang paika-ika niyang hakbang. Tinignan ko 'yon at nakita kong may kung ano'ng nakabalot do'n.
"Anak natin."
Sinabi niya 'yon dahilan para matigilan ako.