Chapter Two
• Shane
After six months.
"Ang gwapo mo," malambing kong sabi kay Paul dahilan para mapangiti siya.
"Ang laki na ng tiyan mo," nakaupo ako sa sofa at siya naman ay nakahiga ang ulo sa mga hita ko. "Dapat ay kamukha ko siya paglabas."
Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya.
"Gusto ko ay maganda o gwapo. Kamukha mo oh kaya naman kamukha ko," ayaw kong malaman ang kasarian ng anak ko. Gusto ko ay paglabas niya saka ko lamang malalaman.
Tumayo siya sa pagkakahiga sa mga hita ko at ngumiti naman siya ng matamis.
"Ikaw, ah! Gusto mong kamukha ko anak natin," nakangiti niyang sabi. Hinimas ko naman ang tiyan ko at kinurot ang pisngi niya.
"Oo naman, alangan namang gusto kong maging kamukha nito si Rio!" Patukoy ko sa aso namin.
Sabay kaming natawa sa sinabi ko
Nakangiti kong tinignan ang tiyan ko at hinimas-himas.
'Pero sa totoo lang, maging sino man ang kamukha mo... tatanggapin kita.'
Ilang segundo ang lumipas sa kakaisip ng masasayang bagay ay biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Kinurot ang puso ko sa reyalidad na pilit kong iniiwasan.
"A-Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Paul, at kaagad kong nakita ang pangamba sa mga mata niya.
Ngumiti naman ako ng matamis sa kaniya.
"Salamat, Paul."
"Bakit?" Tanong niya.
"Anong bakit?"
"Ba't ka nagpapasalamat?" Tanong niya. Natawa ako at hinimas ang pisngi niya, marahan naman niyang hinilig ang pisngi niya ro'n.
"Salamat at dumating ka sa buhay ko."