Phase Three
Shane •
"You must not tell her about that!"
Isang malakas na suntok ang ginawad ni Jordan sa kapatid na si Jeyden, dahilan para tumalsik ito at matumba sa mga kung ano-ano'ng bagay na nadito sa kwarto, kaagad akong nataranta at hindi alam ang gagawing aksyon.
"Púta!" Isang malakas na atake ang ginawa ni Jeyden sa kapatid kaagad naman nitong naiwasan iyon at inatake ni Jordan ang kapatid matapos umiwas, at umiwas naman si Jeyden sa ginawang atake ni Jordan, at kaagad namang naiwasan ito ni Jordan at umatakeng uli at gaya kanina ay nagawang iwasan din ni Jeyden ang atake ng kapatid.
Kakaiba ang nakikita ko, ibang-iba sa Jeyden at Jordan ang nakita ko noon sa ngayon, ani mo'y handang patayin ang isa't-isa.
Napakurap ako ng isang beses, nang buksan ko ang mga mata ko ay naging mabagal ang paningin ko, naging mabagal ang pagtalsik ng katawan ni Jordan at patama iyon sa pader at matapos kong idilat ang mga mata ko ng tuluyan ay bumalik na sa normal ang lahat.
'Ano 'tong nakikita ko?!'
"Huwag kang maging makasarili, Jordan. Dapat niyang malaman ang mga bagay na 'yon dahil isa---"
"Tangina mo!" Mabilis na kinuha ni Jordan ang katabing vase at binato sa kapatid kaagad namang umiwas si Jeyden ngunit hindi inasahang kasunod nito ang atake ni Jordan.
Nakapatong na si Jordan sa kapatid ay sakal sakal itong mahigpit.
Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Jordan, at hindi ko alam kung saan ito nagmumula. Ngayon ko lang ito nakita sa kaniya!
'Jordan...'
"One."
"More."
"Word.
"From."
"You."
Mariin.
Galit.
Isa-isa 'yong sinabi ni Jordan na ani mo'y handang pumatay ano mang oras.
"Jordan..."
Kahit na nanghihina ay nagawa kong magsalita.
Kaagad naman siyang napatingin sa'kin at ang kaninang mala-demonyong Jordan ay unti-unting nawala.
"Baby..."
*PAAAAAAAAAAAAAAAK!~*
