Royal Guards
I am a Royal Guard.
I am South Vaugh.
I am strong, independent and smart.
Ilan lang sa kailangang maging kakayahan ko.
Sa paglipas nang maraming panahon at henerasyon tumaas ang naging alitan nang pamilya na kabilang sa pinakamalalakas at pinakamakapangyarihan na tao sa buong mundo.
Kabilang ang pamilya ko.
May sampong rango, pangatlo kami sa pinakamataas, pinakamakapangyarihan at pinakamalakas. Hindi pwede sa pamilya namin ang maging mahina, dahil ang trabaho namin ay ang mabuhay at para mamatay sa hari namin, kahit na ano'ng mangyari.
Ang hari na tinutukoy ko ay ang ama ko.
Reyna naman ang ina ko.
Kasama ang Reyna sa pagbubuwis ng buhay para sa hari, ngunit mas mataas ito kumpara sa'min.
Mula sa edad na tatlo ay tinuturo na ang iba't-ibang klase nang armas ang mayro'n sa buong lumalop ng mundo.
Kasama ro'n ang paggamit at silbi sa mga pwedeng mangyari kapag nalagay ka sa isang sitwasyon at iyon lamang ang mayro'n ka.
Sa edad na apat ay ipapagamit iyon sa'yo, maaaring ituro sayo ang pagbato ngunit ang pinakamahirap ay ikaw ang mismong paggamitan.
Sa edad na lima ay papatay ka na ng hayop, hindi kuneho, pusa o aso. Ngunit leon, tigre, agila at iba panguri ng mababangis na hayop.
Pangalawa ako sa anak.
Ako ang Ditche sa pamilya.
Ako ang PINAKAMATALINO sa lahat. Mula sa hari, reyna, panganay hanggang bunso ay ako ang pinakamatalino.
Iyon ang nakaatas sa'kin, nasa betlog pa lang ako ng hari.
Ako ang utak ng lahat.
---
Kuya. Panganay. First born.
Panganay naman ang PINAKAMALAKAS sa lahat. Mula hari, reyna hanggang bunso. Huwalang makakapantay sa lakas ng panganay namin.
Dahil mula bata ay sinanay na itong pumatay.
Alam nito ang nakaatas sa kaniya.
Ang kahit na sino mang manghimasok sa pamilya namin ay siya lang ang may kakayahang kumitil ng buhay nito ng 'walang kahirap-hirap.
Isa ro'n si Shane.
Galing sa pamilyang Dewes si Shane, Dewes na halos napantay na sa rango namin, kapag nagkagano'n ay patayan ang tangging solusyon.
Ang ina ni Shane ay may natatanging talento na nalaman ng hari, dahil dito ay natakot siya na mawala kami sa rango, kaya pinapatay sa'min ng hari ang pamilyang Dewes.
Ngunit bago pa man namin mapatay si Shane ay naitakas siya ng isa sa mga Royal Guard ng pamilyang Dewes. Ang tinutukoy ko na Royal Guard ay ang mga bantay sa pamilya habang 'wala pa ang panganay nito.
Sila ang magsisilbing pangunang bantay.
Hindi naging mahirap para sa'kin na hanapin si Shane matapos itong maitakas.