III

1.3K 25 2
                                    

Time

Narrate•

“Kill her, North.”

Huwalang buhay na sabi ni Luther sa anak. Kaagad namang lumuhod ang anak at 'walang salitang namutawi sa mga bibig nito.


Kasama ang mga kapatid na sina West, East at South na pare-parehong nakayuko sa harap ng ama.


“Ngayon ang pagkakataon at 'wala kayong sasayangin na oportunidad.”


“P-Pa--”


"Ano 'yon, West?"


“Hindi ba pwedeng sa susunod na lamang? Kakapanganak lamang niya.”


"¿Que?" Tanong nito sa anak na si West. "Kelan ka pa naging inutil?"



"Madadamay ang bata, Papa."


"Mas mabuti kung gano'n. Gusto kong makita ang galit ng isang Santillan at Dewes."


"Papa--"  muli pa sanang magsasalita si West ngunit kaagad siyang binaril sa binti ng ama.


Si South at North ay nakayuko lamang, ganun narin si East ngunit pasimpleng nakatingin sa kakambal na puno ng pagaalala.

"¡Tonta kietal y estupido!"

Kaagad na natumba ang katawan ni West at nagkalat ang masaganang dugo sa kaniyang pwesto.



"Ciao." Sabi ng ama. Hudyat para gawin nila ang misyon na patayin si shane ng 'walang maski kakaunting mali.


Mabilis na kumilos si North at pinunit ang sleeves ng suot at tinali sa binti ng kapatid.


"Sa susunod na magsalita ka ay pagisipan mo, Jeyden." Matapos nitong itali ang tela sa binti ng kapatid ay kaagad itong tumayo.


"Kung mauuna kayo sa'kin na makalapit kay Shane ay maaari siyang mabuhay," napatingin ang tatlo sa kaniyang sinabi. "Ngunit kung ako ang mauuna sa kaniya ay mamamatay siya. Maski ako ay ayaw at pagod nang pumatay, pero kailangan para sa kapangyarihan at pwesto ng pamilyang 'to."

Matapos sabihin 'yon ay malakas niyang sinampal si South sa mukha at sinipa naman si East sa lalamunan.

Twins Obsession [ 2 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon