Phase One
Shane •
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog ulit matapos patulugin ulit, syempre. Ang sabi ng doctor ay kailangan ko raw ulit matulog, pero tumanggi ako, kaya kinailangan akong turukan ng pampatulog matapos kong magwala.
'Matutulog lang naman ayaw ko pa...'
Kaagad kong naramdaman ulit ang sakit ng buo kong katawan, kakaiba. Masakit pero pakiramdam ko ay ayaw ko itong mawala. Dahil ito lang ang rason kung bakit pakiramdam ko ay dapat pa akong mabuhay.
Kung kanina ay kaya kong igalaw ang katawan ko at maupo pa ng maayos, ngayon ay hindi ko na kaya. Pakiramdam ko ay hinampas ang katawan ko sa pader nang ilang libong beses, na maski buto ko ay nawala sa pagkakakonek nito sa isa't-isa.
"How are you feeling?"
Kaagad akong napatingin sa pinto nang iluwa nun si Jeyden.
'Gano'n na ba 'ko kahina? Pwra hindi maramdaman ang presensiya ni Jeyden?'
"W-Why are you here?" Paos at mahina ang boses na tanong ko sa kaniya. Kaagad naman siyang lumapit sa'kin at naupo sa gilid ko.
"Gusto kong bawiin ang mga anak ko sa kapatid ko, Shane." Iyon ang sinabi niya na tumatak sa isip ko, kaagad naman akong nakaramdam ng init sa puso ko. "I need your help, bago pa may gawing kung ano si North sa mga anak ko."
Kaagad na nangunot ang noo ko at naramdaman ko 'yon.
'What do you mean?'
Gusto kong itanong kung ano'ng ano na 'yon, pero pakiramdam ko ay nalunok ko lahat ng laway ko.
"Gusto kong maging normal na bata ang mga anak ko, Shane. Ayaw kong maging kagaya nila ako."
Ang kaninang gusto kong itanong ay nasagot.
Pero hindi ko maintindihan ang ibig sabihin niya sa salitang normal.
'May gagawin ba si North sa mga anak ko? Para hindi sila maging normal?'
"Maliban sa protektahan ang hari namin Shane ay kailangan din naming magisip ng mga paraan sa kung paano namin itutumba ang banta sa'min ng hindi namin ginagamit ang kakayahan namin."
'Ano'ng ibig mong sabihin?'
"Ang panganay sa'min, kaya niyang bumuhay ng patay..."
"Kayang buhayin ni North ang isang patay na..."
---