Paul Ynares
Buong buhay ko ay 'wala akong ginawa kundi ang maging mabuti.
“Congrats, son!”
“Ang bait mo talaga, Paul!”
“Hi Paul!”
Hindi naman sa ayaw ko ng ginagawa ko. Pero, minsan iniisip ko na... kung masama ba 'ko? Magugustuhan nila ako?
Akala ko, mamamatay akong 'walang ganap sa buhay, pero nagkamali ako ng makilala ko si Shane.
Akala ko hanggang sa huling hininga ko, hanggang 'good boy' na lang talaga ako, pero hindi. Nagkaroon ng thrill ang buhay ko nang makilala ko si Shane.
Kaya kung mamamatay man ako ay ayos lang sakin. Dahil nakilala ko siya at 'wala na akong pake sa iba pa.
“MANGANGANAK NA 'KO, PAUL!” Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at naibuga ang iniinom kong tubig.
'Oh, god!'
"Kukunin ko lang susi ko! Fuck!"
Buong buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang magmadali. Ang isang minuto sa'kin ay parang isang oras na. Pero ngayon? Kakaiba. Halong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon, na mayroong kurot ng hinalong saya.
'Magiging ama na 'ko!'
"Sandali lang, please. Malapit na tayo."
"Masakit na!"
Ramdam ko sa boses niya ang sakit, sabayan mo pa ng buga ng hininga niya. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Parang ang bagal ng lahat, ang hangin, ang paghinga ko ang pagtakbo ng kotse.
'Kakaiba...'
*WRISHING!*"A-Ano'ng n-nangyari?"
'Nasiraan pa 'ko...'
