Phase Two
Shane •
Kaagad akong binalot ng takot sa buong sistema ng katawan ko matapos 'yong marinig.
'Ano'ng klaseng hayop ang gagawa ng gano'ng bagay?!'
Kaagad kong inalala ang naging patayan sa'ming dalawa ng North kuno. Sa totoo lang ay nagtataka pa rin ako kung si North ba ang nakaalitan ko bago ako mahiga sa kamang 'to.
Kakaiba ang tao na 'yon, at marapat lamang na katakutan dahil maski ang lakas ko ay hindi kayang pantayan ang pinaka-mahina niyang lakas.
'Oh, kung may pinaka-mahina nga ba siyang lakas...'
Pinilit kong ibuka ang bibig ko upang magsalita pero hindi ko magawa.
"Taong 2025 nagsimula ang kakaibang experimento ng mga siyentista," patuloy nitong paliwanag sa'kin habang nakatitig sa mga mata ko. "Hindi ito naging matagumpay kaya pinasara ito at lahat nang kabilang sa naging eksperimento ay pinapatay ng nakakataas. Pero hindi 'yon do'n natapos, taong 2123 binuksan itong muli, sa taong ito ay nabuo ang kauna-unahang bagay na nabuo nila. Pero hindi ito nagtagal at matapos ang tatlong araw ay namatay din ito kaagad."
"A-Ano'ng na-namatay?" Mahina, paos at 'walang lakas na tanong ko kay Jeyden, ngunit nagawa ko pa ring itanong. Kinakain ako ng kuryusidad ko.
"Sshh, don't talk, just listen to me." Hinawakan nito ang kamay ko, hindi ko magawang tignan iyon ngunit dama ko ang init sa pinagdikit ng mga balat namin mula sa kamay.
"Namatay ang naging akala'y tagumpay na, hindi nito kinaya ang sistema sa mundo kaya nawala rin itong kaagad, nawalan ng pag-asa ang mga siyentista dahil hindi biro ang pera na ginamit para sa gano'ng klaseng bagay, kaya itigil nila ito."
Masiyadong seryoso si Jeyden sa sinasabi niya dahilan para mas lalo akong mahulog sa kaniya, sa kwento niya, at pinaaantig nito ang interes ko.
"2400, taon kung saan nagsimula ulit ang pagbubukas sa eksperimentong ito. Naging madali para sa mga siyentista na matapos ito dahil may naiwan nang plano at kaalaman ang mga naunang ekperimento, at hindi sila nagkamali. Naging matagumpay sila sa kanilang plano at hindi lang isa ang nagawa nila, kundi... lima."
--- (inom ka muna tubig lol.)
Ang tibok ng puso ko ay naging kakaiba, nakakabaliw. Pakiramdam ko ay hindi ako makasabay sa buhay na mayroon sa mundong 'to ngayon.
Ang kaninang titigan namin ni Jeyden ay mas lalong lumalim ani mo'y ang mundo niya ay pilit akong pinapapasok at unti-unti 'yong nangyayari at unti-unti rin akong kinakain nito, at hinahayaan ko lang ito na mangyari dahil sangayon ako sa mga nangyayari, sa mga sinasabi niya.
"Limang matagumpay na eksperimento ang natapos nila, puro ito tao. Isa ro'n ay ang kakaibang talento na kung saan ang isang ay kayang gawing p--"
"Don't you dare tell her, Jeyden!"
Ang kaninang mundo namin na isang daliri na lang ang agwat ay biglang nagkalayong muli!
Bumalik ako sa reyalidad at ani mo'y sinampal ako nito ng malakas.
'Jordan...why?'