North II
"¡Mas rapido!" Pagmamadali ni Jeyden sa kapatid.
"¡Mierda!" Pagmumura ni Jordan. Matapos niyang tumalon ay hindi naging maganda ang bagsak niya, kinailangan niyang protektahan ang mga bata, pero kapalit nun ay napuruhan ang mga binti niya.
"You good?" Ngising tanong ni Jeyden sa kapatid.
"¡No!" Malakas na sigaw ni Jordan sa kapatid, dahilan para matawa siya. Ilang segundo pa ang lumipas, bago tumayo si Jordan. Nilagay niya ang dalawang bata sa lupa at inunat ang mga binti.
Nang maging maayos na si Jordan ay kaagad niyang pinulot ang mga bata sa lupa at pinagmasdan ito. Pero halos mabitawan niya ang isang nang makita ang mga mata nito.
"Red..."
---
Parang isang halimaw na sumilip ang katawan ni North sa bintana at animo'y may hinahanap na handa niyang paslangin ano mang oras.
Ilang segundo ang lumipat matapos makita ang pakay ay napangisi ito nang nakakaloko. Buong pwersa niyang inipon ang lakas sa mga binti at nang handa na ay malakas na malakas na tumalon at isang kurap na naabutan si Jordan at Jeyden.
Ngunit nakita iyon ni Jeyden at malakas niyang sinipa ang paparating na katawan ni North ngunit kaagad iyong naiwasan at 'walang bahid ng pagod na kinalmot ang binti ni Jeyden dahilan para matumba siya at mapahiyaw sa sakit.
Si Jordan na nakatayo lang ay kaagad binalot ng takot at hindi alam ang gagawin.
Iiwan ba niya ang kakambal at si Shane, o tatakas kasama ang dalawang bata?
Mabilis na nakabalik sa wisyo si Jeyden at binagsak ang katawan ni Shane sa lupa at sumugod sa kapatid.
Mabilis na isang malakas na sipa ang pinakawalan ni Jeyden ngunit iniiwas lamang ni North ang katawan at siniko ang tuhod ni Jeyden dahilan para mabali ito ng pabaliktad.
Nahugot ni Jeyden ang hininga at 'walang kalaban-laban na bumagsak sa lupa.
Nakatalikod lamang si North kay Jordan at 'walang namutawi na salita ang lumabas sa isa't-isa.
"Hand them over, Jordan." Ngising utos ni North sa kapatid at humarap. Iginawad ang isang braso na animo'y sigurado siyang susunod ang kapatid sa kaniya.
"East!" Malakas ngunit namimilipit sa sakit na sigaw ni Jeyden. "Don't!"
Mabilis na tumalikod si North at humarap kay Jeyden inihiga ng bahagya ang katawan at isang malakas na malakas na sipa at iginawad sa mukha nito.
Hindi iyon inaasahan ng dalawang kambal dahilan para mawalan ng malay si Jeyden.
"Hand them over, East." Iyon na ang huling sasabihin ni North bago atakihin din ang sariling kapatid.
Ngunit gumawa ng kilos si Jordan na hindi nagustuhan ni North.
Sinubukan nitong tumakas.
Napabuntong hininga si North, pumulot ng bato at buong pwersang lakas na binato sa binti ng kapatid. Animo'y isa itong bala sa bilis at ng tumama sa binti ni Jordan sy tumagos ito palabas dahilan para mabutas ang binti niya.
Nagising si Shane, naidilat ang mga mata. Ngunit halos lumuwa ang mga mata nang makita ang mukha ni North. Hindi niya 'to kilala, at ngayon niya lang 'to nakita.
"Anak mo." Binigay nito ang isa sa mga kambal kay Shane, mabilis na kinuha ni Shane ang binigay na bata at naupo ng maayos sa pinangyarihan paring away.
'A-Asan a-ako?'
Ang tanong na hindi mailabas ni Shane.
"Ito pa." Ibinigay din ni North ang isa pa. Ngunit nang akmang kukunin na ni Shane ang isa ay mabilis na binawi ito ni North at ngumiti ng matamis kay Shane.
Tumayo ito at tumitig ng malalim kay Shane habang nakangiti.
Gamit ang isang palad ay inihiga ni North ang bata sa kamay at tinutok sa tiyan ang mga daliri nito na may matutulis na kuko.
Huwala pa mang nangyayari ay hindi matatanggap ni Shane ang maaaring gawin ni North sa anak niya.
"Shane, look at my talent!"
Isang malakas na iyak ng bata ang umalingawngaw sa lugar matapos itusok ni North ang daliri sa tiyan ng bata.
At nang hindi makuntento ay sunod-sunod ni North na itinuloy 'yon at ang iyak ng bata ay unti-unting nawala at sunod-sunod ang pagtulo ng dugo sa kamay ni North.