Twins
Huminto ang oras nang makita ko ang dalawang kambal sa harapan ko.
Halos magiisang taon na rin, pero sakto pa na nanganak ako.
Kaagad kong hinawakan ang dalawa kong anak, ang kaninang masakit na parte sa katawan ko ay parang naglaho at napalitan ng takot.
“Shane...”
Kaagad kong tinignan ng masama si Jeyden. Kung nakakamatay lang ang tingin ay marahil tumalsik na siya palabas ng hospital.
“A-Ano'ng ginagawa niyo rito?” Bagama't puno ng takot ang sistema ko ay hindi ko 'yon pinahalata. Pero mukhang nabigo ako ng mautal ako.
Animo'y mayroong namuong bato sa lalamunan ko.
“We must leave!” Mariing sabi ni Jordan. Nalipat sa kaniya ang buo kong takot nang humakbang siya palapit.
“Huwag kang lalapit!” Malakas kong sigaw sa kaniya, kaagad naman siyang napatigil at napatingin sa mga anak ko. Kaagad ko yung iniiwas sa mata niya.
“Parating na ang kapatid namin, at kapag naabutan niya tayo rito ay papatayin niya kayong t-tatlo,” napaiwas si Jeyden sa'kin ng tingin matapos makita ang mga bata. “Hindi namin hahayaan na mamatay ang anak namin sa kamay ng kapatid namin.”
