North
"Sumama kana lang sa'min!"
Malakas na sigaw ni Jordan dahilan para magulat ang kaniyang kambal na si Jeyden.
Kaagad na mabuhay ang galit ni Shane at kaagad pinaulanan nang mura ang dalawang kambal.
Huwalang naisip na ibang solusyon si Jeyden kundi ang lapitan si Shane at kaagad na patulugin ito sa paraan na paghampas sa batok nito.
'No!'
Naisigaw ni Shane sa kaniyang isip bago mawalan ng malay.
Gulat lang ang reaksyon ni Jordan at halos hindi makagalaw sa pwesto. Abala naman si Jeyden sa paglalagay sa 'walang malay na katawan ni Shane sa kaniyang likod.
Nang mapansin ni Jeyden na tulala ang kambal ay kaagad itong minura.
"Why did you do that?!"
Galaiting sigaw ni Jordan sa kambal.
"Gusto mo bang mamatay ang mahal natin?"
Kaagad na natigilan si Jordan at bumalik sa normal ang kaniyang pagiisip.
"Kuhanin mo ang mga bata sa upuan," utos ni Jeyden sa kapatid. Matapos niyang patulugin si Shane at kaagad niyang nilagay ang mga bata sa isang upuan. "We mus leave--"
Hindi na natapos ni Jeyden ang sasabihin nang malakas na masira ang pinto at niluwa ang panganay nilang kapatid na si North.
---
"Hmm? Naunahan niyo 'ko." Matapos sabihin 'yon ay halos mas mabilis pa sa isang kurap mata si North na umatake kay Jordan na hawak ang mga bata.
Mabilis na umiwas si Jordan ngunit nakalmot siya ng kapatid sa braso dahilan para kamuntikan na niyang mabitawan ang isa sa mga sanggol.
Kaagad na sinipa ni Jeyden ay isang upuan at hindi 'yon inaasahan ni North dahilan para matumba siya.
Mabilis na tumalon si Jeyden sa bintana habang pasan ang katawan ni Shane sa likod nito. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ni Jordan at 'walang dalawang isip na sinundan ang kapatid. Pero bago tumalon ay tumingin ito sa kapatid na si North, na ngayon ay nakatitig lang sa sahig.
"Anak niyo 'yan."
Hindi 'yon isang tanong na lumabas mula sa bibig ni North, kundi isang katotohanan.
"Give them to me, East." Utos ng panganay sa kapatid.
"No," matapos sabihin 'yon ay kaagad siyang tumalon palabas sa hospital na dahan-dahang kinakain ng apoy.
Tumawa nang malakas si North habang nasa sahig parin. Tawa na hindi tuwa ang nararamdaman.
Tawa na kung saan ay puno ng kakaibang emosyon, na tanging siya lang ang nakakaalam.
"I'm gonna kill them all..."
