I

2.4K 35 6
                                    

Chapter One

Narrate •


“The two of you failed.”




Malayo ang tingin ni South sa bintana ng hospital. Nagkatingin naman ang kambal at naunang nagsalita si West.




“Failed from what?” Huwalang buhay na tanong ni West dahilan para mapatingin sa kaniya si East nang nagtataka.




“Killing her, West.” Tumingin si South sa kapatid matapos 'yong sabihin.




“What do you mean? It's not our job to kill her,” bumuntong hininga si West at napatitig sa kaniya ng matalim si South. “It was North's job to do that.”





“Hindi ba't nagprisinta kayong pumunta rito para sa kaniya?”





“Yes," nagsalita si East dahilan para mapatingin sa kaniya si South. “We did say that!” Mariin nitong sabi sa kapatid. “Pero ang sabi lang namin ay babantayan namin ang kilos niya! To be more precise and specific, ang sabi lang namin ay babantayan namin siya.”





“Ha!” Hindi makapaniwalang sabi ni South at kaagad na napatalikod sa magkapatid. “Nagsayang kayo ng oras at panahon para lang bantayan siya?!” Gigil nitong sabi at naupo.





“¡Tonta!” Malakas nitong sigaw at sinipa ang isang upuan.





“Look, South! If you really want her dead, you should've done it yourself!” Malakas na sigaw ni East sa kapatid dahilan para mapatingin sa kaniya si South ng matalim. Kaagad namang nilapitan ni South si East at mabilis pa sa isang kurap na sinakal ito.





“Don't you dare raise your voice at me!”





Kaagad namang sinampal ni West ang kamay ng ate niya dahilan para mabitawan ni South ang kapatid na si East, na kaagad naghabol ng hininga.






“Don't you dare touch him...” Mahina ngunit mapanganib na banta ni West sa ate, dahilan para mapatitig si South sa kapatid.





‘A-Ano'ng n-nangyari sa mga kapatid ko?!’




Ang tanong ni South sa kaniyang isip. Napatayo siya ng tuwid at napatingin sa sahig. Puno ang isip ng tanong. At kada may tanong na mabuo sa isip niya ay isang tao lang ang sinisisi niya.




'Shane...'










“You may leave, now.” ‘Walang galang na sabi ni West sa ate. Kinalimutan kung ano si South sa buhay niya.





Kaagad namang napatitig si South sa kapatid at napangisi.









“Ito ba?” Tanong ni Shane sa magkapatid at tinignan ang dalawa. Nakatingin lang si West sa bintana at si East naman ay nakayuko. “Ito ba ang ipagmamalaki ninyo kay, Dad?”






“I said leave!” Malakas na sigaw ni
West at mabilis na tumayo sa kama palapit sa kapatid na handang manakit.






“Tell me!” Malakas ding sigaw ni South at 'walang takot na hinarap si West.





Ilang pulgada na lang ang layo ng kamay ni West sa kapatid ay kaaga na iyong napigilan ni East.





“West,” kalmadong pagtawag ni East sa kambal. “Calm down.” Nagawa niya itong sabihin sa harap ng dalawang magkapatid na ngayon ay nakatitig sa isa't-isa na ani mo'y mayroong kuryente na dumadaloy sa pagitan ng matatalim na tingin nila. “Sis, can you please leave? We'll handle this.”





“As you should.” Malakas na binagsak ni South ang pinto ng makalabas ng kwarto.





“Bro, what the hell?!” Matigas na tanong ni East sa kapatid, na ngayon ay nakasandal ang noo sa pader. “You can't hurt our sister,” malumanay na sabi nito.





“Lo siento.” Paghingi nito ng tawad.
Kaagad namang hinagod ni East ang likod ng kapatid.




“Magpahinga muna tayo,” kaagad na bumalik sa higaan si East. “Kailangan nating sundan kaagad si Shane. Lalo na't sa America ang punta niya.”



“Yeah,” pinalagatok ni West ang batok at naupo sa sofa imbis na sa kama nito. Hindi iniinda ang sakit ng katawan.





“I hate Paul.” Wala sa sariling sabi ni West.






“Me too,” 'wala rin sa sariling sabi ni East.

Twins Obsession [ 2 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon