CHAPTER THIRTY-FIVE

2.6K 50 0
                                    

"Nakakasira na talaga ng ulo rito! Dapat nasa Manila na tayo ngayon!" hiyaw ko rito sa airport ng Cebu.

Kagabi pa kasi kami rito at delay na ng 10 hours ang biyahe. Ang mas kinaiinit ng dugo ko ngayon e, birthday ko pa. Supposedly, nasa bahay dapat ako!

Tumawag na ko sa bahay namin dahil doon ko muna pinatutulog sila Lloyd para bantayan ang mga anak ko.

"Sus! Kaya mainit ang ulo mo hindi kasi naalala ng kambal na birthday mo" panunukso ni Harry.

"Shut up, Harry! Kung ayaw mong di ka makasama sa pag-uwi" pagbabanta ko.

May naiwan pa kasi dito sa Cebu. Naiwan si Fatima, Gieka at si Hetty. Lima lang kasi kaming pinadala rito.

"Just kidding, 'to naman. Ganda ganda ng araw oh!" sabi niya sabay tingin sa labas. "Look! Fresh air! Beautiful sceneries! Nice people--"

"Fresh air, fresh air kapa! Tanga ka! Kita mong nasa hotel tayo. Lamig ng aircone yan, gaga!" putol ko sa kanya.

Matagal kaming tumambay sa hotel. Tatlong oras pa kami rito bago kami tuluyang umalis.

"Hoy Lexi! Di mo naba talaga mahal si Terrence?" untag saken ni Harry.

Mahal? Mahalaga paba yun? Hindi na naman ito tungkol samen e. Tungkol nalang sa anak namin. Kung ano man ang nangyari noon, noon nalang yun.

"Hindi na"

"Hindi na? Pero bago makasagot ang tagal mag-isip. Wala naba talaga? Hindi ba bumabalik ang dati niyong pagmamahal sa isa't isa"

Minsan gusto ko talagang saktan itong baklang ito e. Bakit kailangan pang ungkatin ang mga usapang ganon. Ang tagal ko na yung ibinaon sa limot.

"Tantanan mo ko ng ganyan mga tanong mo, Harry. Baka di ka talaga makasama" pagbabanta ko sa kanya.

Ewan ko ba pero ayoko talaga na mapaguusapan ang tungkol samen ni Tj. Matagal na kasi yun, hindi ba pwedeng kalimutan nalang?

"Girl seryoso ako. Walang halong kaechosan. Mahal mo paba?" kita ko ang pagiging seryoso ni Harry pero ayoko din na mag-alala sila para saken.

"For once and for all, I don't love Tj. So, stop asking stupid question" I said and rolled over the bed to take a nap.

Ayokong pag-usapan ang mga ganon bagay. Nakakawalang gana. Kung di nga lang ama nila Blaine si Tj baka naghihiganti ako e.

Past 6 PM na nang makarating ako sa bahay namin and to my surprise wala sa bahay ang kambal.

"Lloyd! Lance! Asan ang kambal?!" sigaw ko sa mga kapatid ko na nasa guest room.

"Ito ate, kaharap mo" they said in unison.

"Masasapok ko kayo! Yung mga anak ko asan?!" singhal ko sa kanila

Bigla naman lumabas si Fiona at Zyriel.

"Ate, sinundo po nung MAGAGANDANG kapatid ni kuya Terrence. Wala na pong nagawa yang dalawa" sabi ni Zyriel na halata ang pagkainis.

"Opo ate, kulang na nga lang po pati kayo ibenta."

"Sobra kayong dalawa!" hiyaw ni Lloyd.

"Muka niyo!" sabay na sigaw nila Fiona.

"Nasa fine dining restaurant po sila, dun po sa malimit niyo raw kainan ni kuya Terrence" sabi ni Zyriel.

Di na ko nagatubili pa at lumabas na agad ako ng bahay at sumakay na ko sa kotse ko.

Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko. Lintek naman! Respeto lang naman! Yun lang sana. Alam naman nila na birthday ko at ngayon ang uwi ko tapos kukunin nila ang kambal.

Just Keep On Fighting (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon