CHAPTER TWENTY-ONE (Part III)

2.1K 85 4
                                    

TERRENCE'S POV

"ANO NA!!! LIMANG ORAS NG NAWAWALA SI ASHA TAPOS WALA PA KAYONG BALITA??!!! P*TANGINA!! BINABAYARAN KAYO DITO!!!" bulyaw ko sa limang pulis na nasa harapan ko.

Andito na kami sa Laguna. Dito sila nagiinmbestiga.

Pero lintek!! Hanggang ngayon wala pa rin balita!! Makakapatay talaga ako kapag may nangyaring masama kay Asha.

"Sir ginagawa po namin lahat para hanapin ang girlfriend niyo" paliwanag nung isa.

Gumagawa pa sila ng paraan niyan ha! Samantalang kahit isang balita wala sila. Ni hindi nila alam kung saan dinala, kung sinong kumuha o kahit kaninong van yung ginamit sa pagkidnap kay Asha.

"GUMAGAWA PA KAYO NG PARAAN NIYAN!! AY BILIS BILISAN NIYO!!! DAHIL BUHAY NG GIRLFRIEND KO ANG NAKASALALAY DITO" sigaw ko ulit.

Wala na silang nagawa kundi umalis nalang.

Bullshit!!! Sino kang hayup ka na kumuha kay Asha. Ipapadala kita sa impyerno sa oras na malaman ko kung sino ka.

"Jace maupo ka muna. Parang awa mo na" sabi ni Louise saken.

Lumabas nalang ako ng bahay nila Jaine dahil hindi ko kayang makita sila na walang ginagawa.

Pagkalabas ko ng gate sumakay ako ng kotse at dun ako nagstay.

"ASHA!!! BUMALIK KANA!!! PLEASE!!!" sigaw ko sabay palo sa manebela.

Hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha sa mga mata ko.

Tumingin ako sa kalsada, dun ako may napansin.

Lumabas ako ng kotse at nakita ko ang isang litrato.

Litrato ng isang babae, dalagitang babae. Na siguro ay 15 anyos lamang.

At sa likod non e may nakasulat na pangalan.

Piolo Christian Bellages

Danna Sarah Bellages

Just Keep On Fighting (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon