"Ano? Nakita mo ba ha?!" sigaw ko kay Harry.
"Hindi pa. Baka hindi mo dito naiwala" sagot naman niya.
Andun siya sa ilalim ng lamesa ko, at hinahanap yung singsing ko--este yung singsing na dapat kong isauli sa gago kong ex.
"Hayy. Ano ba yan?" iritableng sigaw ko.
"Magrelax ka nga jan Lexi, baka naiwan or naipatong mo lang kung saan sa condo niyo" sabi ni Gieka.
At parang biglang may naglight-up na bulb sa ulo ko. Tama!! Baka naiwan or nalaglag ko yun.
"Tama na nga yan Harry. Ibili mo nalang ako ng isang garapon ng stick-o, chocolate. Stick-o ha? Hindi superstik" utos ko sa kanya.
Umalis na siya at bumili. Tama lang yan sa kanya, parusa yan dahil sa ginawa niya kanina.
8:00 na ng makauwi kami.
Andito na ko sa condo, andito na din si Tj.
"Hello!" untag ko sa kanya.
Busy kasi siyang nanunuod ng Gumiho.
"O anjan kana pala" bati niya.
"Ay wala pa ko, video ko lang ito" sabi ko naman.
"Baliw ka talaga. Magbihis kana at kakain na tayo" sabi niya kaya agad akong nagihis.
Ang sarap niya talagang magluto. Mananaba ako neto e. Haay!! Sarap buhay. Babawi naman ako next time sa kanya.
Ako na ang naglipit ng pinagkainan namin, dahil nahihiya na ko sa kanya.
After kong maglinis, pumunta na ko sa living room para hanapin ang singsing. Kanina kasi hinanap ko na yun sa room ko pero wala.
Nakayuko lang ako sa ilalim ng lamesa ng biglang magsalita si Tj.
"Eto ba hinahanap mo?" sabi niya sabay pakita saken ng singsing.
Nagulat ako ng makita ko yun kaya bigla akong napatunghay.
*Bugshh*
"Awww! Ang sakit!" sigaw ko habang nakahawak sa may noo ko.
Nauntog lang naman ako.
"Dito ka lang" sabi niya habang pinapaupo ako sa coach.
Agad siyang umalis at pumunta sa cr.
Kinuha niya yung first aid kit. Ang OA lang diba? Nauntog lang naman ako.
Siya na ang naghilot ng noo kong tanga.
"Mahalaga pa rin ito sayo no?" siya, referring to the ring.
"Hindi na. Balak ko lang talagang isauli yan sa kanya" sagot ko naman sa kanya.
"Mahal mo pa rin siya?" seryosong tanong niya.
Bakit siya ganito ngayon? Parang may iba sa kanya.
Pero yung totoo? Mahal ko pa rin ba si Nathan? Di ko alam Magaapat na taon na din na di kami nagkita. Siguro by the na magcross ulit ang path namin, dun ko lang talaga masasagot yan tanong niya.
"Maybe yes and maybe no" sagot ko, "Di ko sure. Di ko alam kung pagmamahal ba ito or galit"
"You'll know that when you see him" sabi niya.
BINABASA MO ANG
Just Keep On Fighting (Completed)
RomansTrust and Love are two important things to consider in a relationship. But are these enough? How about fighting? Can everyone fight just for love? Can everyone fight just to keep his/her love? Can everyone do it continuously? JUST KEEP ON FIGHTING!!