CHAPTER TWENTY-FOUR

2.5K 78 1
                                    

"You look stunning, Asha!" hiyaw saken ni Louise.

She's wearing a blue fitted sleeveless long gown with jewelries. Kahit buntis siya, eleganteng elegante pa rin siya.

Andito kami sa celebration ng 55th birthday ng daddy ni Tj.

Close friends, relatives and business partners ang invited. Mayayaman talaga sila. Ako lang ang mahirap.

December na ngayon, and 5 months na kami ni Tj.

Wala siya ngayon sa table namin dahil may kumausap sa kanya kaya umuna na ko dito sa table. Ang awkward din kasi pati naoop lang ako. Almost business matters lang ang pinaguusapan nila.

Napapitlag ako ng maramdaman ko ang kamay ni Tj na humapit sa bewang ko.

Kahit di ako sexy, nagmuka akong sexy. I'm wearing peach heart tube long gown with matching laces. Lumabas tuloy ang pagiging maputi ko. Nagmuka akong mayaman dahil dito.

"She's not just stunning. She's perfect!" sagot ni Tj.

Bigla tuloy kumalababog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kainis! Kahit salita pa lang kinikilig na ko ah.

"Tss. Bolero" sabi ko naman.

Pero ngumisi lang siya at binigyan ako ng halik sa pisngi na nagpapula ng muka ko.

"You're blushing again, almost like tomatoes" pangaasar niya saken.

"It's your fault" tugon ko sa kanya.

Later on, time na para magspeech si Tito. Tapos na kaming kumain lahat.

"Hello! I just wanna say thank you to all of you who came here to celebrate my 55th birthday. I never expected this day would come that I'll be celebrating my birthday with the richest man in industry" sabi ni Tito Frank.

"When I was young, we didn't celebrate  birthdays. Our main reason was because we have no money to buy stuffs and foods for occasions like this. Greetings are enough for me. Because of that, I strived harder. I don't want my children to experience what I haven't experienced" dagdag pa ni Tito Frank.

Kahit na 55 na siya, muka pa ring bata. Di siya ganoong katanda tingnan, parang 40's lang.

"Of course, I would like to thank my family. My three daughters, Deni, Lacey, and Jewel. Thank you sa pagorganize ng birthday ni Daddy. I know someday, magiging successful kayong event organizer. Siempre sa anak kong lalaki, hindi ako magpapasalamat sayo hangga't di kapa kasal at wala pa kong apo" sabi ni Tito na talaga naman nagpatawa sa mga bisita niya.

Gustong gusto na kasi ni Tito na magkaapo dahil natanda na siya. Haha! E wala e, ayaw pang magpropose ni buwang e.

"Pakasalan mo na si Asha! Ang bagal bagal mo e" dagdag pa ni Tito kaya talaga mas lumakas ang tawa.

Nakakahiya din dahil katabi ko ngayon si Tj. And for sure alam nilang ako ang tinutukoy ni Tito Frank.

"Sayo naman Asha. Please.. nagmamakaawa na sayo ang future father-in-law mo, magpakasal na kayo" pilyong sabi ni Tito.

Napatingin nalang ako kay Tj na ngayo'y kakamot kamot sa ulo.

"And of course, to my beautiful wife. Thank you for everything. For making me the most blessed and happiest man alive. And to God, thank you po sa another year. More birthdays, I hope. Dahil mabagal ang anak kong si Jace" sabi ni Tito.

Obvious na obvious naman ang gusto niyang sabihin.

Tapos ng magspeech si Tito. Nabati ko din siya. Andito pa rin kami sa table. While yung iba ay nasa dance floor at nagsasayaw with their partners.

Just Keep On Fighting (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon