"Ma! Nandito na po ako!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay namin.
Namiss ko rin ito ah! Minsan lang kasi ako umuwi, once a month maswerte na. Lagi kasing busy sa company. Minsan pa naghahapit kami sa designs kasi sobrang competitive ng HOH. Competitive in a way na halos lahat ng designs namin ginagaya nila. Hindi uso originality sa kanila eh!
"Anak! Buti nakauwi ka ngayon," masayang bati saken ni Mama.
Baka sobrang namiss din ako ni Mama. Sa tagal ko ba naman na 'di umuwi eh. Baka magtutwo months na.
Bigla akong nanakbo papunta sa kanya at niyakap siya. Ramdam kong nakangisi lang si Mama. Nabigla siguro. Humiwalay rin ako sa yakap niya.
"Ma, ang kambal? Pati si Ate?" tanong ko kay Mama.
Apat kaming magkakapatid. Si ate Lorean ang panganay, 25 na siya. At ang kambal na kapatid ko na lalaki, 21 na sila. Si Lloyd at Lance. Two years lang ang agwat namin sa isa't isa.
"Sumimba lang sila. Pero dadating na din yun," sagot ni Mama. "Pumasok ka muna sa kwarto mo at ika'y magpalit" utos saken ni Mama kaya naman umakyat na ko sa hagdan.
Medyo malaki rin ang bahay namin, pero hindi sobrang laki. Nagkaroon lang kami ng second floor noong nagkatrabaho si ate. Kaming magkakapatid lang dito sa taas, tapos sa baba sila Mama at Papa.
Ganoon pa rin ang room ko. Malinis pa rin at ang ganda sa mata. Color baby pink ang pintura ng wall ko pero may part na color blue green. Salitan ang color, sa isang side color blue green at ang tapat niyang side ganon din ang color pero dun sa katabing side color baby pink. Ang curtains ko color white.
Nagpalit agad ako ng damit. Nagugutom na kasi ako at gusto ko nang kumain.
Bumaba na agad ako, dala ko yung pasalubong ko kila Mama.
"Ma andi—-" si Lance at Lloyd."Ate!" sigaw nila nang makita ako at agad tumakbo papunta saken.
Natawa nalang ako sa pagyakap nila sa'kin kahit nakaupo ako. Sobrang close kami nito.
"Ate kailan kapa?" tanong ni Lloyd
"Kanina lang," sagot ko na nakangiti. "Nasaan si ate? Akala ko kasama niyo?" tanong ko naman sa kanila habang hinahanap sa likod nila si Ate Lorean.
"Nasa labas lang, may kausap sa phone," sagot saken ni Lance.
"Ayan na siya!" sigaw ni Lloyd.
"Lexi!" sigaw ni ate saken.
"Ate!" balik kong sigaw sa kanya. Tumayo agad ako at niyakap siya. Ganoon din siya.
Matapos ang mainit na pagwelcome sa'kin ay kumain na kami.
BINABASA MO ANG
Just Keep On Fighting (Completed)
RomanceTrust and Love are two important things to consider in a relationship. But are these enough? How about fighting? Can everyone fight just for love? Can everyone fight just to keep his/her love? Can everyone do it continuously? JUST KEEP ON FIGHTING!!