CHAPTER THREE

5.5K 160 34
                                    

"Hoy! Mahiya naman kayo, nagtatrabaho kami tapos ang ingay niyo!" sigaw ni Hetty.


Si Hetty na laging galit, si Hetty na laging nakasimangot, si Hetty na buhat ang mundo at si Hetty na walang lovelife.


Grabe itong babae na ito, galit ba siya mundo? Wala din naman akong lovelife pero shit! Masaya naman ako, 'di katulad niya.


Kanina pa kasi kami tawa nang tawa nila Harry at Gieka. Samantalang ang iba namin kasama seryosong seryoso sa trabaho nila.


"Alam mo Hetty, try mo minsan tumawa or ngumiti nagmumuka kang 30's eh," natatawang sabi ni Harry.


At natawa naman kami lahat, as in lahat kasama yung kateam niya.

"Letche!" sigaw niya samen.


"Hayaan niyo na, nagmemenopause yata eh," komento ko pa.


Kaya lalo silang nagtawanan. Nainis si Hetty kaya lumabas siya.


Walk-out! Masyadong inis! Kaya di magkalovelife eh. Joke. Feeling may lovelife ako. May crush ako no? Kilala niyo ba si Lee Min Ho at yung bida dun sa started with a kiss, yung lalaking matalino? Shit! Super duper inlove ako do'n. Gwapo eh!


At may nanliligaw din sa'kin, pero dedma. 4 years na akong single, simula noong nagbreak kami ni Nathan wala pa ulit akong minamahal. Wala pa akong panahon d'yan. I'm enjoying my life.


Nagsimula na kaming magdesign. Bago mag ala singko, naka 4 na akong design ng sandals.


——-


Mabilis na lumipas ang panahon. Ang lalim! Linggo na ngayon at tapos na lahat ng designs!


Kaya ito kami nila Harry to celebrate. Kasama din sila Hetty. Ayaw niya nga eh, pinilit lang siya nila Chloe. Ang arte niya po, Kj.


"Haha! Tera na sa Mcdo, do'n tayo kumain!" yaya ko sa kanila.


"What?!" sigaw ni Hetty.


Tarages na babae ito, nasa mall kami tapos sisigaw siya. Malamang pagtitinginan kami.


Favorite namin nila Harry ang Jollibee at Mcdo, parang mga bata.


"Wat watin ko yang mukha mo eh! Makasigaw wagas! Ngayon ka lang ba kakain sa Mcdo ha?!" mapang asar kong tanong sa kanya.


"Sa restaurant tayo kakain, hindi sa fast food chain. Hindi tayo bata!" mataray na sabi niya habang nakataas ang kilay.


"Goodness! Hetty don't tell me di kapa nakakakain sa Mcdo?" tanong ni Gieka.

Kung magsalita kasi akala mo di pa nakakakain sa Mcdo.

Just Keep On Fighting (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon