CHAPTER FOURTEEN

2.7K 119 4
                                    

TERRENCE'S POV

"Nathan??!" sabi ni Asha, pagkaharap sa lalaking tumawag sa kanya.

"Lexi, how are you? It has been a long time" sabi nung Nathan.

"I'm fine. We have to go" masungit na sabi ni Asha.

"Lexi, let me explain"

"What?!"

"Let me explain. I didn't mean to hu--"

*PAK*

Bigla siyang sinampal ni Lexi.

"I thought, mahal pa rin kita. Pero di na pala, galit na pala lahat ang nararamdaman ko" sabi ni Lexi, at bigla siyang may kinuha sa bag niya, yung singsing, "Iyo na yan. Nakalimutan ko lang isauli. Don't bother me again EX!!" sabi niya at naglakad na kami pero hinila niya si Lexi sa braso.

"Ano bang problema mo?! Ha!" sigaw ni Asha.

"Mageexplain nga ako, kaya makinig ka at sumama ka saken" hinigit niya si Asha.

"Pare teka lang ha! Date ko kasi yang hinihila mo e, nasasaktan na oh. Kung ayaw na niya sayo, ayaw na niya!" nakialam na ko.

"Sino kaba ha? Boyfriend kaba niya?" sabi niya.

"OO. BOYFRIEND KO SIYA! Ngayon lang!" sagot naman ni Asha, "Kaya kung pwede bitawan mo ko, may mahal na kong iba kaya kahit magexplain ka jan wala akong paki!!" sigaw ni Asha at hinigit na ko.

Naglalakad na kami papunta sa parking area.

"Bakit mo yun sinabi?" untag ko sa kanya.

"Ang alin?"

"Na tayo?"

"Kasi sinasagot na kita."

Anong sabi niya? Kami daw? Sinagot niya na ko?

"Wag mo kong biruin ng ganyan Asha ha?" sabi ko.

Baka umaasa lang ako e, pafall masyado.

"Seryoso ako. Noon palang gusto na kita. Ayoko lang sabihin kasi imposible na magustuhan mo ko. Nung umamin ka at liligawan mo na ko, gustong gusto ko yun. Pero di ko agad sinabi ma mahal kita kasi may past ako na kailangan kong tapusin. And ngayon natapos na, kaya tayo na. Bakit ayaw mo ba?"

Just Keep On Fighting (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon