Maaga akong nagising or should I say, hindi ako nakatulog. Hindi ako nakatulog dahil kay Tj. Sa mga sinabi niya saken. Minsan gusto ko siyang murahin kasi tatanga tanga siya. Pero minsan gusto ko siyang yakapin at sabihin na ituloy mo, kasama mo ko sa bawat laban. Naguguluhan ako.
Di ko itatanggi, mahal ko si Tj. Siya pa rin hanggang ngayon at hindi nawala. But everytime na susubukan kong ilapit siya sa puso ko naaalala ko yung ginawa niya. Hindi ko makalimutan yung araw na iniwan niya ko sa simbahan at sumama siya sa isang babae na kinaiinisan ko.
I want a sign. Sign na kami talaga. Sign kung tatanggapin ko ba talaga siya, hindi lang sa buhay ng kambal kundi sa buhay ko. Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang sunod sunod na malalakas na tawag ng kambal.
"What's----What happened?" hiyaw ko ng makita kong nakahandusay sa sahig si Tj.
Sabay na umiiyak ang kambal habang hawak hawak nila ang kamay ni Tj. Napaluhod agad ako at inuunan ko si Tj sa hita ko.
"Tj! Tj! Wake up! Tj!" sunod sunod kong tawag sa kanya habang tinatapik tapik ko ang pisngi niya pero nanatili siya ron na walang kibo.
"Blaine, kunin mo ang susi sa drawer ng daddy mo. Todd, tawagan mo si tita Deni sabihin mo papunta tayo ospital dahil nahimatay si daddy" utos ko sa kanila ata agad akong tumayo para hilahin si Tj.
At parang gusto ko nalang siyang pagulungin pababa ng hagdan. Napakabigat niya. Wala naman akong makakatulong dahil ang layo layo neto sa kabihasnan.
"Goodness!" hiyaw ko dahil halos ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa kami sa kalahati ng hagdan.
"Mommy do you need help?" usal ni Todd sa gilid ko.
"No baby, kaya na ni mommy. Kunin mo nalang yung bag ni mommy sa kwarto ko tapos tawagin mo na si kuya Blaine. Pupunta na tayo ospital" nagmamadali kong sabi na mabilis naman sinunod ni Todd.
Nakarating na rin kami sa labas ng bahay kung saan nakapark ang kotse ni Tj.
Nahihirapan man ako dahil kay Tj ay maayos ko naman siyang nailagay sa backseat.
"Todd, jan ka kay Daddy. Blaine, dito ka sa tabi ko" utos ko sa kanila at mabilis naman silang sumunod. Sinarado ko lang ang pinto ng bahay at dumeretso na ko sa kotse.
Maingat pero mabilis kong pinaandar ang kotse ni Tj. At wala pang trenta minutos ay narating namin ang isang pampublikong ospital dahil ito lang yung pinakamalapit sa bahay nila noon.
.
.
.
.
."Hija, what happened? Where is Jace? Where is my son?" humahangos na tanong ng mommy ni Tj.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko.
"Nasa ER pa po siya. Basta kanina po nakita ko nalang siya na nakahandusay sa sahig. Sabi ng kambal, bigla nalang po raw nakatulog ang daddy nila tapos hindi na nila magising" pagsagot ko kay Tita.
Medyo aligaga pa rin si Tita pero hinayaan ko nalang. Andito din si Deni, Lacey, Jewel, Tito, Chris at si Celine.
"This is all your fault! Laging napapahamak si Tj kapag kasama ka niya!" bulyaw saken ni Celine pero wala akong panahon para ientertain siya dahil kasalukuyang natutulog sa kandungan ko si Todd.
"Kung wala kang gagawing maganda dito, umalis kana lang Celine. Pati si ate Asha sisihin mo, ikaw ang salot dito!" madiin na sabi ni Deni.
"Deni!" suway ni tita sa kanya.
"What mom? Siya naman talaga ang malas saten e!"
"Babe" halata sa boses ni Chris ang pagbabanta dahil masyado ng mainit ang usapan.
BINABASA MO ANG
Just Keep On Fighting (Completed)
RomanceTrust and Love are two important things to consider in a relationship. But are these enough? How about fighting? Can everyone fight just for love? Can everyone fight just to keep his/her love? Can everyone do it continuously? JUST KEEP ON FIGHTING!!