CHAPTER TWENTY-ONE (Part I)

2.8K 84 2
                                    

(Scene: Continuation of chapter 19, Condominium)

"Baluga ka talaga!!" sigaw ko kay Tj.

"Anong baluga sa ginawa ko ha?" sabi niya pa.

Andito kami sa living room nanunuod kami ng Dragon ball

"Anong baluga sa ginawa mo? Nagtatanong kapa? Umutot ka kaya! Ang baho! Shett" sigaw ko sabay tayo at takbo papunta sa may kitchen. Malayo layo kasi yung sa living room

"Baluga daw yun. Hindi ka nautot? At May naamoy kanabang utot na mabango ha?" pagdepensa pa niya.

Ang baluga ni Tj. Parang hindi propesyunal ang loko. Ang bastos!! ang baho talaga e. Kainis!! Ang sakit sa ilong aba! Tae na ata yun e, hindi lang utot. Haha!

"Ang baluga mo pa rin. Pwede naman na lumayo ka. Ang baho Tj. Nakakaadwa ka!" pagsigaw ko sa kanya.

"Ang arte mo! Umutot lang e" sabi pa niya.

Utot lang daw, parang tae na e.

"Utot lang yun? Eh eh! Parang tumae kana e" pang-aasar ko naman sa kanya.

Pero ang baho talaga! Haha! Hindi makaget over. Okey! Ako na ang maarte. Haha!

"Haha! Hugasan mo ko" sabi niya.

"Haha! Balahura ka, bastos, baluga at buwang ka!!" sabi ko.

Diba ang baluga ng boyfriend ko? Agree ba kayo?

"Arte! Mahal mo naman. Talika na dito. Wala na yung amoy" sabi niya habang nakatawa.

Baliw diba? Haha! Hindi ko akalain na may ganito pala siyang side. Kung tutuusin para siyang isang suplado at seryoso lagi, pero ang laking swerte ko dahil nakita ko ang side ng pagiging buwang niya.

Lumapit na din ako sa kanya. Nakaupo lang kami sa baba. Nakasandal siya sa coach at ako naman ang nakasandal sa kanya habang nakayakap siya saken.

"Asha anong iniisip mo kanina?" untag saken ni Tj.

Kumuha muna ako ng chips at sinubo ko yun bago ako sumagot.

"Aah. Wala. Naisip ko lang na ang gwapo mo" pagsisinungaling ko.

Ayoko kasing sabihin sa kanya na ang iniisip ko e yung hindi ako deserving para sa kanya. For sure, magagalit ito.

"Asha!" suway niya saken..

Okey! Kilalang kilala niya ko, alam niyang nagsisinungaling ako.

"Totoo yun" sabi ko pa.

Kahit alam ko naman na hindi talaga siya maniniwala saken.

"Isa!"

"Hehe! Joke lang! Ito naman, nagbibilang agad" sabi ko.

Takot ako kapag nagbilang na siya, alam kong maiinis na siya e.

"Oh, ano na nga?" tanong niya ulit.

Hayyy!! Ang hirap naman ng tanong e.

"Sa tingin mo deserving talaga ako para sayo?" seryosong tanong ko.

Bigla niya kong hinarap sa kanya at binigyan ng tingin na parang nagsasabing 'Ito-na-naman-tayo-e"

"Tingnan mo ha. Mayaman ka, mahirap lang kami. Gwapo ka, middle beauty lang ako. 6 footer ka tas ako 5'2 lang. Matalino ka mas matalino ako sayo. Ang layo natin sa isa't isa" sabi ko.

Just Keep On Fighting (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon