“Hahahahaha!!! Napakatanga talaga ni Sakuragi e. Bobo!!” ako yan.
Nandito ako sa apartment ko, Sunday ngayon at siempre walang pasok at wala din akong gagawin kaya dito lang ako. Anong pinapanuod ko? Slamdunk. Favorite ko kaya ito. Ang tanga kasi ni Sakuragi e.
“Henyo daw!! Pero traveling ang lintek. Hahahaha!!!”
Malapit na kong mabaliw ngayon e. Napakayabang niya pero napaka tanga din e.
Kahit magisa lang ako, ok lang. Walang kaagaw sa pagkain. Dami ko ngayong pagkain kasi alam kong wala akong lkaad ngayon.
Ice cream, pizza, burger, softdrinks, clover, v-cut at cookies. Yan lang naman ang kinakain kong magisa. Ang saya lang.
Last week of June na ngayon. At sobrang dami ng nangyari. Mas tumaas ang sales naming ngayon dahil sa pagoonline shopping. Mas gumaganda na din ang samahan naming ng mga designers, even Hetty. Bumabait na siya, akalain niyo yun. At siempre si Jaine at Ken na bestfriend ko dumalaw sila one time saken. Para daw magbonding, bumalik na ulit ang dati naming samahan. Samantalang si Tj, ayun napilitan akong ipakilala siya kila Harry dahil di nila ako pinapansin. At ok na ok sila. Nalaman ko din na pinsan pala nung asawa ni Ma’am Cindy si Tj.
“Hahahaha!! Tanga talaga!! Napaka ta---“
*Tok tok tok*
Naputol ang paglait ko kay Sakuragi nang may kumatok sa pinto ko. Sino naman kaya yun? Wala naman akong inaasahang bisita ah? Imposibleng sila Harry yun, dahil rest day nga naming ngayon. Imposibleng si Jaine at Ken dahil kakadalaw lang naman nila saken. SO sino kaya?
Tumayo ako at pumunta na sa pinto para tingnan kung sino yun.
Lapit pinto- hawak doorknob- pihit- hila----and bukas na!!
O__________________________O ---- ako
^___________________________^ ---------siya
Anong ginagawa nito dito? Paano niya nalaman na dito ako nakatira?
Sinong tinutukoy ko? Si Terrence Jace Concepcion lang naman.
“A-anong g-ginagawa mo d-dito?” nauutal kong tanong sa kanya.
Ako gulat na gulat pero siya ngiting ngiti pa rin. Ang lakas ng sayad neto e.
“Binibisita ka” sagot niya.
Binibisita? Bakit?
“Bakit?” maikli kong tanong
Nakakapagtaka naman kasi siya e. Bakit niya ba ko binibisita.
BINABASA MO ANG
Just Keep On Fighting (Completed)
RomanceTrust and Love are two important things to consider in a relationship. But are these enough? How about fighting? Can everyone fight just for love? Can everyone fight just to keep his/her love? Can everyone do it continuously? JUST KEEP ON FIGHTING!!