TERRENCE'S POV
Madaling araw na kong umuwi, siguro mga alas tres para siguradong tulog na si Asha.
Nagstay muna ako sa bar, sobrang inis ko talaga kay Asha. Nagsinungaling pa, di bale sana kung di ko siya pinagbigyan sa gusto niya e.
Bago matulog pumunta muna ako sa kitchen, may nakita akong 3 bote ng beer na walang laman sa may sahig.
Uminom pa si Asha. Napakapasaway!! Di lang akong umuwi ng maaga e.
Bago pa ko tuluyang mainis natulog nalang ako.
Nagising ako ng biglang tumawag saken si Harry at sinabing lasing na lasing daw si Asha.
Agad akong pumunta sa CSC.
Nakita kong nakahiga si Asha sa may semento na may hawak na beer sa kamay.
Lasing na lasing nga ito.
"Asha tera na. Uuwi na tayo" sabi ko.
Malumanay yan ha.
"Harry mamaya nalang. Ayokong makita si Tj. Please... dun muna ako sa condo mo" sabi niya.
So bakla na pala ako ngayon? Grabe lang. Di niya narecognize ang boses ko.
"Bakit? Baka nag-alala na sayo si Tj" sabi ko.
Nagpapanggap akong si Harry. Di naman siya natingin saken kasi nakatakip yung braso niya muka niya.
"Di yun mag-aalala. Di nga yun umuwi kagabi. Hayy!! Nagluto pa man din ako tapos ganon lang" paghihimutok niya saken.
"Baka busy lang" sabi ko.
Kahit ang totoo iniiwasan ko siya. Nakaramdam tuloy ako ng guilt.
"Busy? At ako hindi? Nagkasugat sugat ang kamay at braso dahil sa lintek na calderetang yun, di pa ako nakain hanggang ngayon. Bwisit!!" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Just Keep On Fighting (Completed)
RomanceTrust and Love are two important things to consider in a relationship. But are these enough? How about fighting? Can everyone fight just for love? Can everyone fight just to keep his/her love? Can everyone do it continuously? JUST KEEP ON FIGHTING!!