"Hui! Sorry na!" pag amo ko kay Tj ngayon.
Busangot ang muka niya at kaninang umaga niya pa ko di pinapansin. Kitang kita sa kanya ang pagkairita at inis.
Ang hirap naman amuin e. Kanina pa ko sorry nang sorry. Di ko na alam gagawin e.
Papunta kami ngayon sa bahay nila Louise dahil may kainan ang barkada.
More than three months na din since nung nakidnap ako.
Nagtataka kayo kung bakit galit si Tj? Haayy!
Ganito kasi yun...
*Flashback*
"Tj.. please.. wag mo ng sugurin si Nathan. Hayaan na natin" sabi ko habang nakaharang sa pinto ng room ko.
Samantalang siya nanlilisik ang mata sa galit at pulang pula na.
"Hayaan Asharane?!! Dammit!!! Siya ang nagpakidnap sayo, and you just want me to stay here and calm down??!" halos mapaiyak ako sa lakas ng sigaw niya.
Pero di ko naman siya masisisi kung bakit ganyan ang reaksyon niya. At yung totoo, inasahan ko naman talaga yun e. Ayoko lang na mapahamak pa siya. I know Nathan too much at kaya niyang pumatay ng tao para saken.
Pinigilan ko ang luha ko at nagmatigas pa rin ako. Ito lang ang magagawa ko para may Tj.
"Tj makinig ka saken. Please.. Okey na naman lahat e. Maayos na ang lagay ko. Hayaan na natin siya" pangungumbinsi ko sa kanya.
Kaya lang di umubra e. Galit pa rin siya at parang kahit anong oras papatay siya ngayon.
"OKEY ANG LAHAT??!! HALOS ISANG LINGGO KANG HINDI MAKALAKAD!! LAHAT KAMI NAGHAHANAP AT NAGAALALA SAYO!! LAHAT KAMI NAGKAKANDARAPA MAKITA AT MAHANAP KA LANG!! TAPOS SASABIHIN MO SAKEN YANG SALITANG OKEY??!!! ABA NAMAN ASHARANE!!! UMALIS KA JAN SA PINTO!!!!" sigaw niya.
Napakalakas ng sigaw kaya naman talagang napaiyak na ko. Di ko na napigilan ang paghagulhol ko sa harapan niya.
Di ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko at ang paghikbi ko. Dahil ibang Tj ang nakikita ko sa harapan ko. Isang Tj na handa rin mapahamak at pumatay para saken.
"Tj..*huk* Please...*huk* nagmamakaawa na ko sa-yo *huk* Hayaan na natin siya" sabi ko habang humihikbi.
Sumisikip na din ang dibdib ko dahil dito. Damn you Nathan!!! Kasalanan mo ito!! Gago ka!!!
Bigla kong niyakap si Tj at siniksik ko ang muka ko sa dibdib niya. Mas lalo kong hignipitan ang yakap ko sa kanya para di siya makawala.
"Shit!" nasabi niya nalang.
Kasabay non ang pagsabunot niya sa buhok at pagyakap saken.
"Hay! Damn Asha!! Kahinaan ko yang pagiyak mo! Tama na" sabi niya sabay hagod sa buhok ko. Kaya mas lalo akong napahagulgol.
"Shhhh.. Tama na babe. Di na ko aalis" sabi niya saken dahil di ko mapigilan ang pagiyak.
*End of Flashback*
Nangyari yan 10 days after akong mailabas sa hospital.
Kaya siya nagagalit ngayon kasi nalaman niya na umalis na ng bansa si Nathan at ako may gawa.
Kinausap ko kasi yung ate ni Nathan na sobrang bait saken. Siya na ang gumawa ng paraan para makaalis si Nathan at para lubayan ako.
Nagagalit si Tj dahil 3 months ko daw yun nilihim sakanya.
BINABASA MO ANG
Just Keep On Fighting (Completed)
RomanceTrust and Love are two important things to consider in a relationship. But are these enough? How about fighting? Can everyone fight just for love? Can everyone fight just to keep his/her love? Can everyone do it continuously? JUST KEEP ON FIGHTING!!