CHAPTER THIRTY

2.4K 57 3
                                    

Nabalot kami ng katahimikan. Deretso lang ang tingin ko sa kanya. Walang kumikibo, walang nagsasalita. Hindi ko alam kung anong tamang salita ang dapat sabihin.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa at pinisil iyon ng marahan.

Bakit? Yan lang ang tanging salita na gusto kong sabihin. Bakit niya gugustuhin na akuin ang batang hindi sa kanya.

Oo, naging mabait siya saken, sa mga kaibigan ko, pero sapat naba yun para pagkatiwalaan ko siya. At tama ba yun? He's a stranger to me, then he just pop-in to my life.

"Nagbibiro ka lang diba? Tama! Gusto mo lang akong patawanin. Pwes, natawa na ko." sabi ko at tumawa ako ng rinig namin dalawa.

Pinapatawa niya lang ako, alam ko yun. Hindi niya naman gugustuhin na akuin ang anak ko, dahil wala siyang dahilan.

"No. Totoo yun, gusto kong maging ama ng anak mo" he said seriously.

Kitang kita mo sa mata niya ang sensiridad, kaya mas lalo akong napuno ng tanong.

"Damn you! Akala mo ba nakikipagbiruan ako, Jonathan! Hindi biro ang pagbubuntis, tapos wala akong karamay. Tapos sasabihin mo saken yan! Ang insensitive pre!!" bulyaw ko sa kanya at dali dali akong lumabas ng chocolate store.

Mabilis naman niya kong nasundan at hinila ako pasakay sa kotse. Nilock niya yon, kaya kahit magpumilit akong makalabas di ko iyon magagawa.

"Stop it!!" hiyaw niya na nagpatigil saken sa paghampas sa kanya. At sabay hinawakan ang dalawa kong braso.

"I'm not a teenager to make a joke that isn't nice to hear! Not in a situation you have, Lexi!" puno ng iritasyon niyang sabi. "Bakit? Bakit ko ito gagawin? Dahil gusto ko!!" sigaw niya ulit.

"Yun na yun? Gusto mo? Paano kung sabihin kong gusto kong mamatay, matatanggap mo ba?!" balik kong sigaw sa kanya. "Jonathan..please...stop this nonsense. Di ako natutuwa" dagdag ko pa.

Huminga siya ng malalim.

"Maniwala ka saken, Lexi. Totoo ang sinasabi ko, totoo yun." sabi niya

Nabigla ako sa sinabi niya. Pero may isang bagay na nangibabaw saken. Galit! Yun ang nararamdaman ko ngayon.

"Maniwala?! Maniwala na naman?! Alam mo ba kung ilang buwan kami ni Tj? Ni minsan di siya nagsinungaling! Ni minsan di niya ko pinaasa! Nangako siya!! Pero tingnan mo ko ngayon?! Mag-isa ako!! Mag-isa ako!! So, don't ask me to trust you! Kasi sa lahat ng bagay, yan ang hinding hindi ko gagawin!!!" sigaw ko sa kanya.

Biglang kumunot ang noo niya at makikita mo doon ang inis na dumadaloy sa katawan niya. Siguro dahil sa sinabi ko, pero anong magagawa ko, e sa hindi ko kayang magtiwala e. Mahirap ba yung intindihin?

"Bullshit!! Masama akong tao, oo totoo yun. Pero di ako katulad ni Terrence!! Iba ako sa kanya. Hindi ko ito ginagawa para sayo, para sa mga bata" sagot niya saken na nagpaawang ng bibig ko.

"Bakit? Bakit mo ito ginagawa?" mahinahon kong tanong sa kanya.

Kasi yung totoo, wala akong maintindihan. Di ko siya maintindihan. At di din sapat ang sabihin niya saken na gusto niyang akuin ang anak ko na hindi naman niya kaano ano.

"Okay. Magsasabi ako ng totoo, kung magagalit ka sige lang" sabi niya at huminga ng malalim, hinayaan ko lang na magpatuloy siya.

"Simula noong iwan ka ni Terrence sa kasal, alam ko yun. Nandun ako. Lagi kitang sinusundan. Lahat ng detalye, alam ko. Kaya kita tinulungan dahil balak ko talagang gumanti kay Terrence at alam kong ikaw ang pinakamagandang instrument para doon" tumigil siya.

Just Keep On Fighting (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon