Nanginginig ang mga tuhod ko. At di ko maturan ang tamang salita na dapat kong sabihin. Sa isang iglap napipi ako.
Bakit? Bakit pakiramdam ko tinakbuhan ako ng sarili kong lakas. I should be strong, lalo na sa harapan niya. Sa harapan ng taong sumira saken.
"How are you?" panunuya niya.
I composed myself. Di ako pwedeng magkamali ngayon. Napaghandaan ko na ang pagkakataong ito.
"Go straight to the point, Mr. Concepcion" I said in cold manner.
Masyado ata akong magaling para masabi yan. Pinipilit kong patatagin at palakasin ang sarili ko. Wala dapat siyang makitang bahid ng takot at kaba. He could use it against mine.
"Why did you keep my children away from me?" may halong galit niyang sabi.
Looks like siya ang hindi nakakapagpigil. This seems so interesting.
"You have no right to claim MY CHILDREN. They are mine and you have nothing to do with it" I replied emphasizing my children.
Bigla siyang ngumisi, isang sign na hindi niya nagustuhan ang sagot ko. At pakiramdam ko any moment tatayo na siya at sisigawan ako.
"They are my sons, Asha! And I can get what---"
"Quit with the tone, Mr. Concepcion. If you're trying to get my children from me. Trust me, kahit daliri nila hindi mo mahahawakan" maanghang kong sabi.
Nakita ko ang dahan dahan na pagkuyom niya ng kamao at ang pagtiim niya ng panga.
"Ikaw ang nagtago sa anak ko at hindi mo ko hahayaan na maging ama sa kanila? Unbelievable!" he exclaimed.
At kulang nalang ay matawa ako sa inaasta niya ngayon. Ama pala ha? Kailan pa?!
"In the first place di ka naman nila kailangan" mataray kong sabi.
At sa di inaasahang pagkakataon napatayo na siya sa galit. Tingnan natin ang lakas ng loob mo.
"Kukunin ko sila sayo!" sigaw niya.
Buti nalang at kami lang ang tao rito sa office niya. Nakakahiya siguro kung may makakakita samen na iba.
"Ganon kadali? Nagpapatawa kaba? Ni hindi mo nga nalaman na may anak ka kung hindi pa sinabi sayo ni Lacey. At sa tingin mo hindi ko ulit magagawang ilayo ang mga anak KO."may halong poot kong sambit sa kanya.
Sandali niyang inayos ang sarili niya at saka siya umupo ulit.
"Four years! Four years niyong nilihim saken. Malalaki na ang mga anak ko ngayon at ni hindi ko man lang sila nakasama. Paano mo nagagawang itago sila saken?!" nakatiim ang panga niyang sabi.
Apat na taon. Tama kayo ng rinig. Malaki na ang mga anak ko, at apat na taon namin yung nilihim kay Tj. Wala naman akong balak ipaalam e. Nakita lang niya kami na kasama ang mga magulang niya at ang kambal. Wala na kaming nagawa kundi sabihin sa kanya dahil hindi din naman maipagkakaila dahil hawig niya ang kambal.
"Walang dahilan para malaman mo kahit pa sabihin na ama ka nila" walang gana kong sagot.
"Ituloy nalang natin sa korte ang usapan na ito" galit niyang pahayag.
"Okay lang. Pero maniwala ka saken wala kang laban. Ikakasal kana sa iba at for sure di mo magagawang alagaan ang mga anak ko gaya ng nagagawa ko" kalmado ko pa rin na sabi.
BINABASA MO ANG
Just Keep On Fighting (Completed)
RomanceTrust and Love are two important things to consider in a relationship. But are these enough? How about fighting? Can everyone fight just for love? Can everyone fight just to keep his/her love? Can everyone do it continuously? JUST KEEP ON FIGHTING!!