LEXI'S POV
"Problema? Kanina kapa tahimik." untag saken ni Hetty.
Andito kami sa rooftop ngayon. Hapon na din naman kaya di na gaanong mainit.
"May iniisip lang" maikli kong sagot.
Napapadalas na kasi ang pag-uwi ng madaling araw ni Tj. Lagi ata siyang pinupuntahan ni Celine sa opisina niya. Gustuhin ko man na wag nalang siyang payagan, di naman yun sasang-ayon.
"Kung ako na kaya ang makipag-usap kay Celine? Sa tingin mo?" pagtatanong ko kay Hetty.
Napailing naman siya saken na halatang dinidisapruba ang gusto ko.
"Hayaan mo na si Terrence. Sa hilatsya palang ng muka nung Celine, alam mo ng walang gagawin maganda. Kung kay Terrence nga di pa siya ganoong nakikinig, sayo pa kaya na isa niyang karibal" sagot saken ni Hetty.
May point naman siya. Nagdududa din ako sa paraan ng pakikipagtagpo niya kay Tj. Lagi daw kasing hinahanap ni Celine ang kambal.
Ayoko man mabahala, pero kinakabahan ako para sa mga anak ko.
"Kinakabahan ako para sa kambal" sabi ko mula sa kawalan.
Bigla siyang napatingin saken.
"Parang naduwag ata ang Lexi na kilala ko?" pang-aasar niya.
Hindi naman sa duwag. Ayoko lang na madamay ang mga anak ko. Di ko kaya na makita silang nasasaktan o nahihirapan.
"Di mo naiintindihan"
"Ikaw ang hindi nakakaintindi. Ginagawa ni Terrence lahat wag lang kayong madamay. Mas kilala niya si Celine at alam niya kung anong kahinaan nito. Hayaan mo siya, Lexi. Hihingi naman siya ng tulong kapag di naayos diba?"
Ano pa nga ba! Nagiging over-protective naba ako? Di ko naman maitatanggi yon, lalo na kung ang pamilya ko ang pinag-uusapan dito.
Alas nueve na nang makatulog ang kambal. Wala pa si Tj sa bahay. Baka bukas na naman yon uuwi.
Magiisang buwan na din simula ng dito na tumira si Tj. Malaki na rin ang pinagbago ng sitwasyon. Mas okay na kami. Masasabi kong buo na talaga ang pamilya namin.
Nang matapos akong maligo ay humiga na agad ako sa kama. Kahit wala naman gaanong ginawa sa kompanya pakiramdam ko pagod na pagod ako.
Papikit na sana ako ng mata ng biglang tumunog ang phone ko. Ibig sabihin may nagtext saken. Inaasahan ko na si Tj yon, pero nadisappoint ako ng makita kong unknown number yon.
From: +63975*******
Tomorrow morning, 9:00 AM at Brend's Cafe.
-CelineBigla akong kinabahan sa text message na natanggap ko. Makikipagkita ba ko? Sigurado akong magagalit saken si Tj. Kaya lang, dapat may gawin na din ako. Tama! Pupunta ako ano man ang mangyari.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipagluto ng agahan ang kambal.
"Blaine! Todd! Kakain na!" sigaw ko sa may hagdan.
Nakita ko ang pagbaba ng kambal na nakasuot ng uniforme nila. Ang cute talaga nila e.
"Blaine, ang gamot mo ha? Wag kang magpapatuyo ng pawis. " paalala ko kay Blaine.
"Yes mommy!"
"At ikaw naman Todd, wag ng magpapaiyak ng babae ha? Bad yon. At wag masyadong malikot." baling ko naman kay Todd at tumango nalang ito.
BINABASA MO ANG
Just Keep On Fighting (Completed)
RomanceTrust and Love are two important things to consider in a relationship. But are these enough? How about fighting? Can everyone fight just for love? Can everyone fight just to keep his/her love? Can everyone do it continuously? JUST KEEP ON FIGHTING!!