CHAPTER TWENTY-ONE (Part II)

2.5K 81 1
                                    

"Ken ikaw na bahala jan ha? Wag mong gaanong papainumin" utos ni Tj kay Ken.

Andito kasi kami ngayon kila Jaine. Niyaya niya kami ng kainan kasi umuwi daw ako.

Si Tj naman babalik ng Manila dahil may emergency daw sa bar na hinahandle niya.

"Asha wag kang magpapakalasing ha. Please lang. Babalik ako mamayang gabi, sandali lang ako don" sabi niya saken.

Bakit kaya babalik pa e. Papahirapan pa sarili e. Pwede naman na magcommute nalang ako.

"Wag kanang bumalik. Mapapagod ka lang. Magcocommute nalang ako bukas" sagot ko naman sa kanya.

Ganon din naman kasi e. Siya lang mahihirapan. Sa halip na nagpapahinga nalang siya susunduin niya pa ko. Di bale sana kung malapit lang ang Laguna sa Manila.

"Babalik ako Asha. Susunduin kita. Saka makakatulog pa naman ako e" pagpapaliwanag niya.

Makulit siya diba? E di sige! Yan gusto niya e.

"Oo na nga. Ingat ka" sabi ko.

Andito na kami ngayon sa gate.

"Sige. Yung sinasabi ko Asha ha. Wag mong kalimutan" pagpapaalala niya.

"Opo, sir!"sagot ko naman.

"Bye! Mga 10:00 na ko makakarating dito ha. Wag mo na kong hintayin. I love you" sabi niya.

"Sige. I love you too. Ingat sa pagddrive ha? Tawag ka kapag andun kana" paalala ko sa kanya.

Humarap siya saken at pinagtagpo niya ang mata namin.

"Of course, I will. Ako ang nagaalala sayo e. Hayy! Makinig ka ha? Please lang Asha. Magpahatid ka kay Ken, wag kang uuwi magisa. Please. Magingat ka din. Mahal na mahal kita." sabi niya.

Ang daming sinasabi e, paulit ulit. Ganyan ba katigas ulo ko? Hindi naman e.

"Oo na. Ikaw ang magingat Tj. Mahal na mahal din kita. Papakasal pa tayo kaya magingat ka ha?" sabi ko naman sa kanya.

Just Keep On Fighting (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon