CHAPTER TWENTY-TWO

2.8K 81 0
                                    

TERRENCE'S POV

"Hijo umuwi ka muna. Magpahinga ka. Simula noong mawala si Lexi, di kapa natutulog" sabi ni Mama saken.

7:00 na ng umaga ngayon at tulog pa rin si Asha.

Nagaalala na din saken sila Mama, at kahit ako gusto ng bumigay ng katawan ko. Pero gusto ko na kapag nagising si Asha, katabi niya ko.

"No, Tita. I'm still fine. Gusto ko po na kapag nagising si Asha andito ako" paliwanag ko kay Mama.

Wala na din nagawa si Mama kundi pumayag.

Si Mama, Papa, Lloyd, Lance at ako lang ang andito. Si ate Lorean wala dahil may trabaho siya sa Bohol at di siya makauwi. Samantalang sila Ken at ang barkada ay nasa Pampanga.

"Tita, kayo po ang umuwi. Pagod din po kayo"sabi ko kay Mama.

Kanina pa din kasi sila dito simula noong dinala namin si Asha sa ospital.

"Oo nga Ma. Masama din po sa inyo ang napupuyat. Andito naman kami ni Lance" pag sangayon naman saken ni Lloyd.

Pagod din siguro si Mama kaya pumayag na din siya. Babalik nalang daw sila ni Papa mamayang gabi.

Masama din kasi kay Mama ang nagpapagod dahil may sakit siya sa puso.

"Kuya, bibili lang kami ng kape" pagpaapaalam ni Lance saken.

Tumango nalang ako sa kanila.

Andito kami ngayon sa hospital sa Manila, ito kasi yung pinakamalapit na hospital nung nahimatay si Asha.

Isang private room ang kwarto ni Asha. Di ako papayag na doon siya sa may mga kasama. May kalakihan din itong room.

Isang CR, dalawang kama na para sa pasyente at para sa bisita, couch, ref at may TV din.

Umupo ako malapit sa kama ni Asha at pinagmasdan siya.

May pasa siya sa pisngi, nakakaawang pagmasdan ang mahal ko. Wala man lang akong nagawa para sa kanya.

"Hay! Asharane, tingnan mo ang nangyari sayo. Kasalanan ko ito e, dapat di nalang akong pumunta sa Manila. Baliw, sorry ha? Sorry kasi walang nagawa ang asawa mo. I'm really sorry. But I promise, this would be the last time na mangyayari ito sayo" sabi ko sa kanya.

Just Keep On Fighting (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon