It's sunday today!! Yipee!!! Rest day..
Maaga akong gumising. Haha! Trip ko lang.
Kinuha ko muna ang phone ko.
*Message Received*
[From: Princess]
'Hey Girl. Formal wear sa wedding ko ha? Don't be late or else I'll kill you. I'm reminding you 3 weeks before. And better set your appointment for us.'
Text ni Princess at formal pa ha? So nakacocktail ako? Goodness!!
Dahil sunday naman ngayon bibili na ko ng isusuot ko para di hassle.
Nagpunta na ko sa kitchen at nagulat ako ng makita kong nagluluto si Tj.
"Bakit ang aga mo gumising?" untag ko sa kanya.
"Ipagluluto kita e." sagot naman niya habang nakangiti saken.
"Bakit ang sweet mo?" tanong ko bigla.
Kasi di niya ko kilala personally. Ang pinatira niya ko dito sa condo niya.
"Ewan ko nga e. Pero sayo lang naman ako ganito" sagot niya.
Mas lalo na kong kinilig.
"Dapat kasi maggirlfriend kana e" sabi ko.
"Bakit available kana ba ngayon?" bigla niyang harap.
Napatulala nalang ako sa sinabi niya.
"Paano kung ligawan kita?" sabi niya.
"Hindi ka naman jan seryoso diba?" tanong ko.
Imposible kasi na magustuhan niya ko. Di naman ako maganda, di din ako sexy, hindi din ako mayaman. Nagjojoke lang yan! Haha!
"I'm not kidding. Wala bang possibility na magustuhan mo ko?"
Seryoso ba talaga siya ha?
"Bakit naman ako?"
"Di ko din alam. Ewan ko, tinamaan ng lintik ang puso ko e" sagot niya.
And boom!! Ang puso ko parang may nagtatakbong mga kabayo.
Di na ko nakasagot sa kanya.
Kumain nalang kami..
"Pwede bang manligaw?" tanong niya kaya bigla akong napatingin sa kanya, "Ay mali, dapat di na kita tinatanong. Tama! Ako nalang ang gagawa ng moves ko" sabi niya at kumain na ulit.
Siya na din ang nagligpit ng kinainan namin at ako naman ang naglinis ng living room.
Nang matapos na kong maglinis naligo na ko para makapunta na ko sa mall.
Pero pagkalabas ko ng kwarto ko nakita kong nakaporma si Tj. Anong meron?
"Date tayo?"
"Ha?"
"Sabi ko date tayo. Pumayag kana ha" sabi niya sabay puppy eyes.
Wala na kong nagawa kaya pumayag na din ako.
Nagpalit na muna ako ng damit dahil nakakahiya naman sa kanya. Nakadress ako ngayon.
"So, let's go?" sabi ko ng nakangiti.
Kinikilig talaga ako e. Maiinlove na talaga ako. Di naman masama yun diba?
Maaga pa rin kaming nakarating sa mall. Namili muna ako ng isusuot ko. And siempre bumili na din ako ng gift. Hirap na hirap nga akong humanap ng pangregalo e. Buti nalang tinulungan ako ni Tj. Couple watch ang binili ko since mahilig si Princess sa mga relo.
At ngayon andito kami sa Mcdo, malamang nakain kami. Tanghali na din kasi.
"Tj?" tawag ko kay Tj.
"Bakit?"
"Pwede ba kitang maging escort sa wedding nung friend ko?"
"Seryoso ka?" gulat na tanong niya saken
"Oo"
"Of course. Yes, definitely yes" parang biglang kuminang ang mga mata niya e.
Naglilibot nalang kami ngayon sa mall. Pampawala ng boredom.
Habang naglalakad kami ni Tj..
"L-lexi?" boses ng isang lalaki.
Biglang akong tumingin sa likod para makita kung sino yun..
"Lexi, ikaw nga!"
"Nathan??!"
__________________________________
♥Meichii♥
(A/N: Ayan na ang update ko, medyo mabagal nga ngayon kasi may pasok na ko. But, anyway next time na maguupdate ako, bobonggahan ko na. Yung may kasamang BOOM!! haha! Thank you sa lahat ng nagsusupport ng story ko. Thank you sa votes and Comments.
@nearlyheadlessnik thank you sa book cover ko. ^w^)
BINABASA MO ANG
Just Keep On Fighting (Completed)
RomanceTrust and Love are two important things to consider in a relationship. But are these enough? How about fighting? Can everyone fight just for love? Can everyone fight just to keep his/her love? Can everyone do it continuously? JUST KEEP ON FIGHTING!!