Tinitigan ko ang hotdog, pinaikot ikot at tinusok-tusok. Ewan ko ba, kung wala akong gana o masakit ba ang tiyan ko. Parang may kung ano sa tiyan ko habang iniisip ang nangyari kagabi.
"May problema ba, iha?" Napukaw ako sa paninitig ko sa hotdog ng magsalita si nay Helen. Nagpakurap kurap ako at tumikhim sabay inom ng tubig.
"Uh.. kasi... hindi ako makatulog ng maayos kagabi nay." Pagsisinungaling ko. Hindi ko naman pweding ibahagi sa kanya ang halikan namin ni Taiden. Baka ano pang isipin ni nay Helen. At malaki ang utang na loob ko sa kanila ni Madam. Baka akalain nilang wala akong utang na loob, at pati anak nila aakitin ko pa.
Pero hindi naman ako nangaakit ah? Siya ang humalik sakin. Hindi 'ko lang siya naitulak agad. Bakit nga ba hindi 'ko siya naitulak agad? At hinayaan ko pang mas magtagal ang mga labi namin sa isat-isa na animoy nag-e-sparring.
"Bakit naman hindi ka nakatulog ng maayos? Napagod ka ba kagabi iha? Pagpasensyahan mo na 'ko kung ganun."
Umiling ako. "Naku hindi po yun nay. Uh... andaming lamok kasi...at yun.. kinagat ako." Napayuko ako at pumikit ng mariin dahil naalala ko ang pagkagat ni Taiden sa labi ko kagabi. Double meaning yata ang nasabi ko.
"Lamok? Nakabukas ba ang bintana mo kagabi? Kaya ka nakagat?" Tanong ulit ni Nanay. Ngayon, nahihirapan na akong mag-isip ng alibay. Ni minsan hindi ako nakagat ng lamok sa loob ng bahay na 'to.
Bakit ba yun ang naisipan kong ipang alibay?
Sasagot na sana ako ng pumasok sa kusina si Taiden, at agad niyang nahanap ang mga mata ko. Nag-iwas agad ako ng tingin at pinatuloy ang pagkain. May kung ano sa mga titig nya ngayon at hindi ko alam kung ano yun. Hindi rin ako makatagal.
"Hijo, magandang umaga." Giliw na sabi ni Nanay.
"Magandang umaga." Sa walang ganang boses.
"Anong gusto mo iho?" Ani nay Helen.
"Kahit ano lang po.." aniya at hindi pa tin ako nag-angat ng tingin at umupo siya sa harapan ko. Medyo mahaba ang lamesa kay mas okay sa akin ang pwesto niya ngayon.
"Oh siya sige, sandali lang ipaghahain kita." At agad umalis si Nanay. Tahimik akong kumakain pero binibilisan ko naman kahit pinupuno ko na ang bibig ko sa pagkain. Gusto ko ng matapos agad ng makaalis na. Hindi ako kumportable na nasa iisang lugar kami.
"Are you that hungry?" Aniya kaya napaangat ako ng tingin. Natawa agad siya ng makita ang mukha kong namimilog ang pisngi dahil sa pagkain. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Kaya agad akong uminom ng tubig at inirapan siya.
"Ito na iho. May iba ka pang gusto?
"Nothing, this is fine. Thanks."
" At ikaw Zella, ako ng bahala sa kwarto mo. Magpapa spray ako ng para sa lamok, para makatulog ka ng maayos mamaya."
Nag-angat ako ng tingin at tumango kay Nanay.
"May lamok sa kwarto mo?" Kuryosong tanong ni Taiden sakin.
Oh god. Saan ba aabot ang usapang ito.
"Ay naku oo daw, at kinagat siya kagabi kaya hindi nakatulog ng maayos." Para akong lumulutang sa hiya, na hindi ko alam kung bakit naman ako mahihiya. Natatakot akong ma gets ni Taiden si Nanay. Hindi naman siguro.
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romance(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...