LOVE isn't safe. And whoever you love will hurt you. It's part of the human experience. No one is perfect...people make mistakes. The secret is to focus on what they do right and decide what quirks you can live with.
Buong gabi kung isinautak ang mga katagang 'yon. Ngayong boyfriend ko na si Taiden, hindi ako mag-eexpect na hindi ako masasaktan.
"Anong problema mo?" tanong ko kay Suzie na nakabusangot ang mukha. Ni hindi niya pinansin si Taiden kanina no'ng hinatid ako.
Napadaing siya sa iritasyon at hindi talaga maipinta ang mukha niya.
"Tinanggihan ako ng lalaking 'yon! Kainis!" iritado niyang sabi. Sino ba'ng tinutukoy niya?
"Sino ba ang tinutukoy mo?" tanong ko habang kinakain ang ipinaghandang sandwich ni Taiden para sa akin. Napangiti ako. Ganito pala siya maging boyfriend.
"Zella, naiinis ako sobra. Nakakahiya." paiyak-paiyak niyang sabi. Uminom ako ng tubig at binigay sa kanya ang buong atensyon ko.
"Bakit nga?" tanong ko at napahilamos siya ng mukha.
"Mangyayari na sana e. Kaso may... may dugo." nakatanga na ako sa sinasabi niyang hindi ko pa rin makuha.
"Suzie, paikot-ikot ang sagot mo. Linawin mo nga." sabi ko
Nangalumbaba siya at lugmok na lugmok ang mukha niya. Mukhang malaki ang problema niya.
"Made-devirginezed na sana ako Zella. Kaso dinatnan ako sa kalagitnaan ng pag-aano namin. Yung... alam mo na." kaswal niyang sinabi at napatakip ako sa bibig.
Devirginezed?!
"Ano?! May boyfriend ka?! Bakit hindi ko alam?!" sikmat kong tanong sa kanya.
"Hindi ko siya boyfriend. Hindi pa." aniya
"Hindi mo boyfriend, tapos magpapagalaw ka?" gulat kong tanong.
Umiling siya. "Hindi naman 'yon ang issue e. Ang issue, umatras siya ng makitang may dugo." aniya
"Ano naman ngayon?" naguguluhan kong tanong.
"Sabi niya- 'next time na lang Suzie, may dugo'." ginaya niya pa ang boses ng lalaki kaya natawa ako inis niyang sabi habang hawak-hawak ko na ang tiyan ko sa katatawa.
"B-Baka nga gano'n." natatawa kong sabi at sumimangot siya. Sabay pukol sa akin ng isang masamang tingin.
"Sige, tawanan mo pa 'ko. Tingnan ko lang kung sayo 'yon mangyari, kung makatawa ka pa ng ganyan." aniya na masama pa rin ang tingin sa akin.
Nagpakurap-kurap ako sa sinabi niya. Gagawin din kaya namin ni Taiden ang bagay na 'yon? Pinilig ko ang ulo ko ng ma realized na ang halay halay ng iniisip ko. Kakasagot ko pa naman sa kanya.
"Uh... hindi namin gagawin ang bagay na 'yon, Suzie." kaswal kong sabi.
Pinanliitan niya ko ng mata na para bang may mali sa sinabi ko.
"Namin? Sinong namin ang tinutukoy mo? At wag kang magkakamaling magsinungaling sa'kin Zella. Sinasabi ko sayo." sabi niya at tinuro-turo pa ako.
Kailangan ko ng sabihin kay Suzie ang tungkol sa amin ni Taiden.
"Sinagot ko na siya." diretsahan kong sinabi at nalaglag ang panga niya doon
"Ano?!" aniya at sa lakas no'n ay napabaling ang lahat ng mga estudyante sa mess namin sa canteen.
"Suzie, ang boses mo!" saway ko.
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romance(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...