Sinamahan ako ni Anjo para bumili ng cellphone, kahit hindi mamahalin ay okay na. Hindi rin naman kami nagtagal sa mall at umuwi na agad dahil andami ko pang kailangan gawin.
"Zella?! Nasaan ka?! Alam mo ba anong nangyayari dito?!" bungad sa akin ni Suzie ng tawagan ko siya.
Napahawak ako sa noo dahil sa problemang naiwan ko at taong naagrabyado ko nang umalis ako.
"Pasensya na Suzie. Magpapaliwanag ako sayo, pangako. Kailangan ko ang tulong mo." giit ko at narinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya.
"Alam mo namang hindi kita tatanggihan di'ba? Basta ete-text mo sa akin kung nasaan ka. Kahit nasa Tawi-Tawi ka pa. Pupuntahan kita." aniya at napangiti ako doon.
"Oo na, pero h'wag mong sasabihin kahit kanino kung nasaan ako ha? Kahit na sino..." sabi ko, kahit imposible namang magtanong sa kanya si Taiden.
"Alam mo bang halos pigain ako ni Taiden? Para sabihin sa kanya kung nasaan ka? Tinakot niya 'ko Zella! Tangina. Nakakatakot ang etsura niya nang pumunta siya dito kani-kanina lang." napasinghap ako sa sinabi niya.
"P-Pumunta siya diyan?" nanginginig kong tanong dahil malakas na naman ang pagtibok ng puso ko na kinaiinisan ko dahil pag sa t'wing si Taiden ang pinag-uusapan, nagiging bayolente ang tibok niya.
"Oo! Dinala niya mga kaibigan niya Zella. And guess what? Kinausap nila ang dean para makiusap na payagan silang hanapin ka sa buong university! Gurl, sinasabi ko sayo ang hot nilang tingnan kanina... lalo na si... Taiden." pabitin pang sinabi ni Suzie ang huli.
Umikot ang mga mata ko sa sinabi niya. Kahit halughugin pa niya buong pilipinas, hindi ako magpapakita sa kanya. Para ano pa? Para makatanggap ulit ng pang-iinsulto at masasakit na mga salita? Para gawin na naman akong tanga?
"Wala akong pakialam sa kanya, Suzie. Basta't umaasa akong wala kang pagsasabihan na tumatawag ako sayo." saad ko.
"Hindi problema 'yon sa akin. Sigurado ka na ba? I don't really know the whole story, pero makikinig ako kong gusto mo ng mag kwento Zella. And please, if I could help, kahit ano tawagan mo 'ko. You know how powerful my family's name is." aniya at napangiti ulit ako sa kabutihan ni Suzie sa akin, noon pa man.
Sinabi ko kay Suzie ang pabor na hinihingi ko at siya na daw ang bahalang magpadala ng mga papeles ko.
Hindi hadlang ang mag-isa sa buhay at pagkayurak ng puso para matigil ako sa pag-abot ng aking mga pangarap. For me, all of these I've been facing are just spices of what we called... life.
Ginamit ko ang puso ko kaysa sa utak ko nang mahalin ko si Taiden. And I was wrong. Mali, na puro puso lang.
Minsan dahil sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, hindi na natin nakikita ang tama sa mali, hindi na natin napapansin ang mga ginagawa nilang mali o tayo mismo nagbubulag bulagan. Bakit? Dahil mahal natin sila. Dahil ginamit natin ang puso natin kaysa sa utak.
Mali na pinairal ko ang feelings ko. I should've let my mind decide what is right. I didn't thought if I deserve the love I am getting or worth it pa ba ang pag-ibig na 'yon o ang taong... minamahal mo.
Clearly, a heartless beast like Taiden isn't worth any piece of my heart. Ituturing ko siyang isang subject sa school na kung saan ay bumagsak ako, na ayoko nang aralin ulit para... pumasa.
"Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 4B7 with service from Hong Kong to San Francisco. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Mountain Airlines. Enjoy your flight!"
sabi ko bago bumalik sa cabin crew area at naupo na para sa paglipad ng eroplano.This is my last flight and I can finally take my long vacation.
After hours, we safely landed at San Francisco International Airport. The flight went smooth kaya masaya akong naglalakad papunta sa parking lot ng airport.
Pasalampak akong naupo sa loob ng kotse at napapikit. Jetlag is really a pain in the ass. Habang nakapikit ako ay biglang tumunog ang cellphone ko.
"Where are you? Dapat nakapag landing na kayo hindi ba?" si Keion at napangisi ako sabay iling. Ganito naman siya palagi.
"Pauwi na po. I'm hungry, nagluto ka ba?" I heard him chuckle.
"Of course. Come on, drive safely." aniya
"Alright. See you!" sabi ko at agad ng pinaandar ang sasakyan ko. Excited na akong kumain at magpahinga. Parang gusto kong matulog ng isang buong araw dahil sa pagod ko sa tatlong balikan na byahe.
20 minutes away from the airport lang naman ang tinitirhan namin ni Keion. It's his condo. Kahit kaya ko namang kumuha ng sarili kong condo ay ayaw niya talaga, kasi daw walang magluluto para sa akin kapag galing ako sa flight. Nakakapagod na din namang magluto o kumain sa labas kaya minsan diretso tulog na lang ang ginagawa ko.
Nang buksan ko ang unit gamit ang keycard duplicate ay nakita kong nakatayo siya sa gilid ng sofa, nakahilig at nakahalukipkip. Nang makita niya ako ay agad niya akong nilapitan sabay yakap at halik niya sa noo ko.
I hugged him back and kissed his cheeks. Napangisi siya doon at ginulo niya ang buhok ko.
"Let's go, I cooked your favorite humba." aniya at muntik pa akong mapatili sa sobrang excitement ko. He really knows me well, now.
It's been what? 5 years, na magkasama kami kaya kabisado na niya lahat sa akin at gayun din naman ako.
"So, where are we going to spend your vacation?" tanong niya at alam ko na ang isasagot dahil sobrang tagal ko nang hindi nakakauwi.
"Pilipinas. Nami-miss ko na si Suzie at sila Anjo." sabi ko at tumango siya.
"Alright, anywhere my baby wants." aniya at nagsimula na kaming kumain.
Kailangan kong bisitahin ang pamilya ni Anjo dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila. Sila ang kumupkop sa akin noong nag-aaral pa ako sa Cebu. Naging pamilya na ang turing nila sa akin at gano'n din ako sa kanila.
Tinulungan nila ako noong nahirapan ako sa pagtatapos ko at gano'n din si Suzie.
Suzie is now happily married with one of Keion's friends. Who would've thought na sila ang magkakatuluyan ? E dati si Elton 'yong palaging nali-link sa kanya.
And well, Sofiya is married too, sabi ni Suzie. At ako, ito living my own dream.
I'm thankful of what had happened in the past. It made me strong and driven to accomplished my goals. I'm thankful of him. Kung hindi niya siguro ginawa 'yon. Baka hindi ako naging pursigido ng ganito.
Sometimes it takes a heartbreak to shake us awake and help us see we are worth so much more than we're settling for.
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romance(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...