"Taiden, I told you. Two weeks! Look what happened." naririnig ko ang sikmat ni Dra kay Taiden.
Inaapoy ako ng lagnat simula pa kaninang alas-sais ng umaga, at sobrang sakit ng gitnang bahagi ko. May tinurok sa akin si Dra na kung ano kaya hindi ko maramdaman ang sakit.
Nakapikit lang ako at hindi magawang magmulat ng mata. Matapos naming gawin iyon sa powder room ay naulit pa sa aking kwarto, at naulit pa ulit sa banyo.
"I'm... sorry Doc. Can we... uh... keep this privately? Ayokong malaman ng iba.. at ng kapatid niya." ani Taiden at nahimigan ko doon ang kaba sa huling sinabi niya. Nakakahiya nga naman kung malaman pa ito ng iba.
"Sure. No problem." sagot ni Dra.
Narinig kong bumukas ang pintuan at narinig ang maraming yabag.
"Anong nangyari kay Zella, Taiden?" tonog pag-aalala ni Madam. Naramdaman ko ang paglapit niya at dinama ang noo ko.
"Just an over fatigue Mrs.Hernandez. Nothing to worry about." sagot ni Dra. Nakapag sinungaking pa tuloy si Doctora dahil sa kagagawan namin.
"Over fatigue?" nagulat ako ng marinig ang boses ni Kuya. Pero hindi ko talaga maimulat ang mata ko sa sobrang pagod. Pakiramdam ko may hollow blocks ang bawat talukap ng mata ko.
"Yes...Uh...Mr?"
"I'm her brother." sagot ni Kuya kay Dra. "Paano'ng nagka over fatigue siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya.
"Don't you trust the doctor?" iritadong saad ni Taiden."I do. Sayo wala." giit ni Kuya.
Gustong-gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi talaga kaya. Bago pa ako tuluyang lamunin ng antok ko ay narinig kong nagsi-alisan na ang lahat sa kwarto ko.
I felt a warm hand caressing my cheeks. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
Dahan-dahan akong nagmulat at nakitang si Taiden iyon. He looked worried and exhausted.
"Hey. How are you feeling?" tanong niya. Binigyan ko siya ng ngiti.
"Good. H'wag na natin ulitin. Nakakapagod mahiga buong araw." natatawa kong sabi at natawa nga siya doon.
He nodded and smiled sweetly. "I can't promise?" aniya at binigyan ko siya ng isang masamang tingin.
"Seriously. I'm sorry...I just can't get enough of you, Ze." aniya at uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
Tumikhim ako upang makalma ang sarili. Sa halip na sagutin siya sa sinabi niya ay naalala ko si Mozes.
"Si Mozes? Nasaan siya?" tanong ko pero nagbago ang timpla ng mukha ni Taiden at umiling siya.
"Still can't find him." lungkot niyang sinabi.
Nakikita kong nag-aalala siya para sa kaibigan niya. I saw how close they were. Para na nga silang magkakapatid.
Kung nasaan man ngayon si Mozes, sana ayos lang siya.
"Hi! Ayos na ba ang pakiramdam mo?" si Suzie at napansing maayos siyang naka damit at naka make up. Kumunot ang noo ko. Para siyang aatend ng party.
Napansin niya ang pagtataka sa mukha ko kaya umikot siya at ipinakita sa akin damit niya.
"Okay? Anong meron?" tanong ko.
"Makakabangon ka na ba? Kung hindi, sayang naman." nangingiti niyang sabi.
Hindi ko na talaga makuha ang pinagsasabi niya. Mas lalo lang hindi ko maintindihan ang nangyayari ng pumasok si Madam at naka ayos din ito.
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romance(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...