"Masakit pa ba?" tanong niya at nangingiti. Tinapunan ko ng isang masamang tingin.
"Papatayin mo ba 'ko?" panliliit ng mata kong tanong sa kanya.
"I'm just asking." depensa niyang sabi pero iba talaga ang pagkakaintindi ko sa tanong niya.
Matapos mangyari ang intimate girlfriend proposal kagabi ni Taiden ay babalik sila ulit ngayon sa paghahanap kay Mozes.
Hindi pa rin sila makahanap ng lead kung nasaan siya. Ako man din ay nag-aalala na para sa kanya.
Nasa hapag-kainan kaming lahat kasama ang mga kaibigan ni Taiden nag-aagahan ng bigla siyang magsalita.
Tumikhim siya kaya napabaling sa kanya ang lahat gano'n din ako.
"I...Uh.. wanted to marry you, Ze." nauutal niyang sabi habang nagtawanan naman si Dale, Macsen at Elton.
"Akala ko, girlfriend proposal 'yong nangyari kagabi, engagement naman pala." ani Elton sabay halakhak niya.
Nakakunot ang noo ko sa sinasabi niya dahil wala pa naman kaming napag-uusapan tungkol diyan... at kinakabahan pa ako.
"Sana, kung ikaw na ang magpo-propose ay wag kang sagutin. Sinunsumpa kita Roux." giit ni Taiden at mas lalong nagtawanan ang mga kaibigan niya.
"Okay Son, kailangan mo muna ng engagement ring bago ka magpakasal. That's a must." sabat naman ni Madam
"Hindi cheap ang kapatid ko. No engagement, no wedding." baritonong sinabi ni Kuya.
"Bago ang lahat, unahan ko na kayo. Ako ang magiging best man, dude. End of conversation." si Elton pero napailing lang si Taiden.
"Where's the fun in that?" aniya kaya nakakunot na ang noo ng lahat. "Kung sino man ang makakita sa engagement ring na itinago ko sa bahay na 'to ay siyang magiging best man. Aside from that, ako ang gagastos sa kasal niya in the future with 1M as a wedding gift. Ang saya di'ba?" tuwang anunsyo ni Taiden
Tumatawa na si Madam at Sir Darius samantalang palipat-lipat ng tingin ang magkakaibigan.
"What month are we now? Is it egg hunt time?" takang tanong ni Macsen pero nagsitayuan na si Kuya at Elton kasama pa si Dale.
"Aren't you married already?" tanong ni Suzie kay Dale.
"I am. 1M lang ang kailangan ko babe." aniya sabay tingin kay Taiden na nakakunot na ang noo.
"Mangga-gancho! Kasal ka na kaya disqualified ka na." madiing sabi ni Taiden pero nakangisi lang si Dale.
"Hindi mo ba alam na may silver at golden wedding anniversary pa? Kaya sasali ako." ani Dale at nagtawanan na lang kami ni Suzie.
Naalala ko bigla na dapat na silang makaalis para hanapin si Mozes. Bago pa man nila halughugin ang buong mansyon ay nagsalita na ako.
"Uh... Hindi ba aalis kayo? Para hanapin si Mozes?" tanong ko sa mga kalalakihan.
Nagtinginan lang ang mga ito na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila.
"Ayos lang 'yon. Sigurado akong buhay pa 'yon." ani Elton
Kumunot ang noo ko doon. Bakit parang... may mali.
Hindi ko na lang pinansin iyon at nagsimula na silang maghanap."Bakit mo naman naisip 'yon?" tanong ko kay Taiden. Ngumiti siya sabay kuha sa aking kamay at nilaro-laro niya ang mga daliri ko... gaya ng dati.
"Ang alin? Ang pakasalan ka o ang itago ang engagement ring?" aniya
"P-Pareho?" hindi sigurado kong tanong. Hindi ko naman alam na may ganito na pala siyang iniisip. Ang magka balikan kami ay sapat naman na talaga sa akin sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romance(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...