'You're the only girl I'd ever want in my life.' ang sabi niya doon sa sulat.
Ayokong umuwi ng ganito. Ayaw 'kong mag explain sa kahit sino sa bahay. Gusto kong isipin buong gabi kung paano nangyari ang lahat, at paano humantong sa ganito.
"I want to stay with you, Ze. Pero may lakad kami. Babalik ako agad. Pangako." si Keion.
Dinala n'ya 'ko sa unit n'ya dahil ayokong umuwi. Baka magtanong lang sa akin ang mga tao doon kung bakit namamaga ang mga mata ko. Hindi rin ako nagpaalam kung nasaan ako.
Bahala na.
"Zella baby, babalik kami agad." ani Elton na sumama rin dito sa unit ni Keion.
"At sinong may sabi na sasama ka pa dito mamaya? Hindi mo 'to bahay, kaya hindi ka welcome dito." sikmat ni Keion at tinapunan siya ng masamang tingin ni Elton.
Dinala ako ni Keion sa isa sa mga guest room ng condo niya. Maganda ang unit niya pero wala na akong panahong ma-appreciate iyon. Masyadong lutang ang utak ko para bigyang pansin ang mga bagay-bagay.
"If you need anything, call me. Kahit ano pa yan. Uuwi ako agad." ani Keion at tumango ako.
Dati pa man alam ko ng mabuting tao itong si Keion. Isa siya sa taong, isang tingin mo pa lang ay malalaman mo ng mabait ito. Hindi kagaya ni Taiden na masungit ang mukha palagi, at doon pa talaga ako nahulog sa kanya.
"Bakit siya gano'n?" nanginginig kong tanong kay Keion at napatingin siya sa akin na may awa sa mga mata. His eyes are comforting, that's how I see it.
Napahawak siya sa labi niya bago sa batok niya sabay pikit ng mariin na para bang nahihirapan siyang magsalita.
"I'm not on the position to tell you what he is doing, Zella. Pero kaibigan mo 'ko. Ang tanging magagawa ko lang ay ang alalayan ka. I'm here, Ze. Always here for you."
Iyon ang nga huling sinabi ni Keion sa akin bago siya umalis. Hindi ko parin maintindihan. Wala siya sa posisyon? Sino ba ang nasa posisyon para sabihin sa akin ang lahat ng ginagawa ni Taiden? Simpleng katulong lang ako, pero ganito niya ginulo ang utak at damdamin ko.
Nahiga ako sa kama at nakatingin lang sa dingding. Napaisip ako. Bakit gano'n ko siya kadaling minahal? Bakit ang bilis kong nahulog sa kanya kahit nagsimula kami sa palaging pagbabangayan?
The worst thing here is, I opened up to him. I let him destroy my walls. Sinabi ko sa kanya ang buhay ko, ang mga kalungkutan at kasiyahan ko. I did trust him. Pero ganito ang ginagawa niya.
Tinatagan ko ang aking sarili. Bago ako mag desisyon kailangan ko munang marinig ang paliwanag niya. Minsan, hindi lahat ng nakikita at naririnig natin ay totoo.
Nakatulugan ko ang pag-iisip sa mga nangyari kahapon. Ngayong gising na ako, pino-problema ko naman kung paano ako mag-eexplain mamaya sa mansyon.
"Good Morning." bati ni Keion pagkapasok niya ng kwarto ko. Umuwi na pala siya. Hindi ko man lang namalayan. Napagod yata sa kakaiyak ko kahapon. Kamusta na kaya ang batang nakidnap?
"Uh... kamusta ang lakad niyo?" tanong ko.
"Fine. Naligtas namin sila." aniya
Sabi ni Suzie ay mga racers sila. Bakit parang mga superhero naman yata? Hindi ko na lang din inusisa ang lahat.
"Let's go, breakfast na tayo." aniya at napangiti ako. Tumayo at nagpunta ng banyo para maghilamos at mag momog man lang. Nakakahiya namang makipag-usap kay Keion na kagigusing ko lang.
Napahawak ako sa noo ng ma reliazed na nakipag-usap na nga pala ako kanina. Medyo malapit pa naman siya sa kama. Baka naamoy niya bibig ko! Parang hinatak ang pisngi ko sa hiyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romansa(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...