Kabanata 2

47K 865 86
                                    

"Hi, Zella!" sabi ni Dale sabay sipol ni Macsen. Aga-aga mga asungot sa hapag- kainan. Kagagaling ko lang gisingin si Taiden ng mayroong di inaasahang pangyayari, na kahit kailan ayaw ko nang maalala pa.

Nndito na kami lahat sa hapag. Gusto ni madam na sumabay na 'ko sa pagkain nila. Tapos na din naman sila nay Helen at iba pang katulong kumain.

"Dude, what takes you so long? Gutom na kami oh," reklamo ni Elton.

Kakadating lang kasi ni Taiden, at nahagip niya agad ang paningin ko. Hindi niya man lang binalingin ng tingin si Elton. Nag-iwas ako ng tingin dahil nagsitayuan na naman ang mga balahibo ko!

Umupo siya sa harapan ko, katabi ko naman si madam. Sa kabilang gilid ko naman ay si Keion, sunod ay si Mozes. Sa kanilang lahat, itong si Keion ang susunod kay Taiden kung ka gwapohan ang pagbabasihan. Tahimik lang din ito at misteryoso gaya ni Taiden ngunit ngumingiti naman sa 'kin.

Si Mozes naman ay sobrang transparent. Makikita mo sa mukha niya kong natutuwa ba siya o nagagalit. Magaan din ang loob ko sa kanya gaya kay Keion. Di gaya ni Dale, Macsen at Elton. Na puro pasmado ang mga bibig. Pero all in all, sabi ko nga, walang tapon sa kanila.

"So what's your plan today?" ani madam sa mga binata.

"Uuwi muna kami Tita at baka sa Linggo, babalik kami dito. Kung okay lang po," magalang na sagot ni Keion sabay tingin niya sa 'kin. Namangha ako sa boses niya. Sobrang kalmado nito at ang bait bait pakinggan. Ngumiti siya sa 'kin at sinuklian ko din naman ito ng ngiti.

"Of course! Our house is always open, just behave and mind you..." tumingin si madam sa mga binata. "Zella's offf limits, understood?"

There was a slow chuckle from them and they all nodded except for these cold eyes watching me intently, si Taiden. Walang ka emosyon emosyon ang mukha niya. Hindi ko tuloy mabasa ang iniisip nya.

"But why Tita?" si Mozes iyon.

"What if one of us will...court her. Are you going to kick our asses then?" nagsitawanan silang lahat pati din si Taiden! Himala. Napailing na lang si Sir Darius.

Nagpakurap kurap naman si madam bago sumagot na nakaisa ang mga kilay nito.

"Well, dadaan muna sa 'kin ang manliligaw sa kanya, ayokong mapaglaruan lang itong si Zella. Napakabait ng batang 'to kaya makakatikim sa 'kin ang mananakit sa kanya," sabay hawak ni madam sa kamay ko at pinisil sa ibabaw ng mesa.

"This will be hard then," ani Keion.

Nabaling lahat ng atensyon sa kanya at nakita ko si Taiden na mariing tinitigan si Keion and his jaw was tightly clenched.

"Off limits are off limits..." ulit ni Taiden sa sinabi ni madam.

Sa kanya naman nabaling ang lahat ng atensyon ngayon. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng tensyon sa mesang ito o masyado lang akong busog. Kaya't kung ano-ano na lang ang naiisip ko.

Para akong ice cream na nalulusaw sa kinauupuan ko, kung bakit ba kasi ako ang topic, ay hindi ko na alam.

Nagsi uwian nga ang mga kaibigan ni Taiden pagtapos ng agahan. Tumulong din ako sa kusina kina nay Helen at nang matapos ay gusto kong bumalik sa kwarto ko upang magpahinga. Nasa second floor din ang kwarto ko. Kahit na dapat ay sa maids quarter ako, talagang ayaw pumayag ni madam. Masyado na tuloy na nakakahiya. Kulang na lang maging anak nila ako. Pero ayoko naman maging kapatid ang unggoy na Taiden na 'yon.

Papunta na 'ko sa taas nang may magsalita sa gilid ng hagdan. Hindi mo kasi makikita kung may tao ba do'n.

"Don't be full of yourself. You're too plain," ani Taiden.

Nanny and the Beast  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon