Nilakad lang namin pauwi ang mansyon, dahil iisang sasakyan lang ang ginamit namin kanina. Iniwan niya ito para sa kanila ni Madam. At ngayon ko lang naisip na hindi kami nagkapag-paalam!
Hinubad ko ang suot kong heels dahil ang bilis bilis niyang maglakad. Nahihirapan ako. Napahinto siya dahil huminto ako, sabay abot ko sa heels ko.
"What are you doing?" tanong niya. Nag-angat agad ako ng tingin at nakitang nagkasalubong na naman ang mga kilay nito. Ito na naman ang mukhang kinaiinisan. Itong mukha siyang galit. Kahit wala akong ginagawang masama!
"Masakit ang paa ko. Ang bilis mong maglakad! Akala mo nama'y kariton ang hinahatak." iritado kong sabi at winaksi ang kamay niya.
Lumapit siya sa akin na salubong pa rin ang kilay. Tumalikod siya sa harap ko at umupo sa ere.
"Ride me..." aniya, pero bakit ba double meaning 'yon para sa akin?! Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Nang hindi ako gumalaw ay bumaling siya sa akin.
"I said... ride on my back, Zella." sabi niya ulit.
"Ayoko.. maglalakad ako. Ang lapit lapit lang nama-."
"Ang tigas ng ulo." anas niya at bigla niya akong inalsa at inilagay sa balikat niya. Kaharap ko na ngayon ang pwet niyang mabilog.
"Taiden, ibaba mo 'ko!" sigaw ko sa pwet niya. Ito naman kasi ang kaharap ko. Hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay naglakad pa ng mabilis.
"Taiden! Ibaba mo nga sabi ako!" wala pa ring nangyari.
I suddenly felt the world stopped, when he lightly slapped my butt cheek. Literal na nanigas ang katawan ko at uminit ang pisngi ko. Natigil din ako sa kakapadyak ng paa ko dahil sa ginawa niya.
"Oh, natahimik ka? Masarap ang palo sa pwet?" sabay tawa niya ng nakakaloko.
"Ang bastos mo!" sigaw ko
Humalakhak siya. "Atleast sayo lang..." seryoso niyang sabi. Pag ganitong linyahan niya ay agad talagang nagwawala ang puso ko!
At ano raw? Sa akin lang? Maniwala. Kung makahawak nga kanina kay Sofiya, eh, daig pa ang mga tuko sa sobrang dikit nila sa isat-isa.
"Sinungaling. Ang higpit nga ng hawak mo kay Sofiya kanina, e." giit ko
Siya naman ngayon ang napatigil sa paglalakad at dahan dahan akong ibinaba. Nanliit ang mga mata niya ng para bang binabasa niya ang mukha ko.
"Are you jealous?" diretsa niyang tanong sa akin at nagpakurap-kurap ako. Bakit niya naman natanong 'yon? Mukha ba akong nagseselos? Sinabi ko lang naman ang nakita ko, ah.
Umisa ang kilay ko, pero nakita kong galing sa dibdib ko ang nga mata niya.
"Ikaw? Pagseselosan ko? Bakit, ano ba kita?" buong tapang kung sinabi at siya naman ngayon ang nagpakurap-kurap bago nagsalita.
"W-Wala. Wala pa." aniya
Wala pa? So may plano siyang maging kami? Pinilig ko ang ulo ko dahil parang naeengkanto yata ang utak ko. Kung ano-ano na lang ang naiisip.
"Hindi wala pa, kundi wala naman talaga, at hindi rin mangyayari." pumait ang sikmura ko sa sinabi ko. Mas mabuti ng imulat ko ang sarili ko sa katotohanang hindi ako pwedi sa mundo niya.
"You sound like, you're rejecting me." gumuhit ang lungkot sa mukha niya kaya nagsisi agad ako sa sinabi ko.
"Bakit naman kita ere-reject? Hindi ka naman nanliligaw sa akin." kapal-mukha kong sinabi. Bahala na.
"So...puwede akong manligaw?" umikot ng bigla ang tiyan ko sinabi niya. Kung nananaginip man ako. Tangina, mapapatay ko ang sino mang gigising sa akin!
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romance(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...