Kabanata 22

41.1K 806 132
                                    

Mamayang gabi gaganapin ang birthday ni Sienna, kaya nagpasama ako kay kuya para makabili ng gift. Sa pinakamalapit na mall lang naman din kami nagpunta ni kuya Keion.

Narinig kong mahinang nagmura si Kuya nang makapasok na kami sa Toy Store kaya napabaling ako sa kanya.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong sa kanya dahil mukha din siyang aligaga. Hindi niya ako pinansin at sinundan ko kung nasaan ang tingin niya.

Hinatid niya ng tingin ang babaeng sales lady ng toy store at pumasok ito sa isang kwarto. Sino kaya 'yon?

"Kuya, sino 'yon?" tanong ko.

"Nothing." aniya at nagkibit balikat na lang din ako.

Pinili ko ang human sized na play house at ipapa deliver ko na lang sa address nila Suzie bukas. Matapos makabili ay nagpasya kaming kumain na muna ng lunch.

Tahimik pa din si Kuya at sigurado akong may kinalaman ito sa babae kanina sa Toy Store.

"Girlfriend mo 'yon." hindi iyon tanong. Napatingin siya sa akin at bahagyang tumango. Namangha ako dahil hindi ko akalaing aamin siya! Hula ko lang naman iyon.

"Nag-away kayo?" tanong ko. Kuya looks bothered.

Tumango siya. " Akala niya kabit siya at girlfriend kita." aniya at nalaglag ang panga ko. Hindi ko akalaing ako pa ang dahilan!

"Hindi mo sinabi?" tanong ko. Pwedi lang naman niyang sabihin na magkapatid kami maliban sa mga kaibigan niya.

Umiling si Kuya. "Pinsan siya ni Dale." tanging sabi niya at naintindihan ko na kung bakit hindi niya sinabi ang totoo.

Nadadamay na pati buhay pag-ibig ni kuya dahil sa akin. Kailangan ko na talagang bilisan ang plano ko ng sa gano'n ay maayos na ni Kuya ang sa kanya.

Paano ko nga ba ito aayusin? Paano ako magsisimula? Sabi lang sa'kin ni Kuya na 'go with the flow' lang daw ang gagawin ko. Ideya namin 'tong dalawa pero nakokonsensya ako do'n sa babae.

Night came. I wore my black silk backless dress, paired with my highest stilettos. I put on some light make up and a red hot lipstick. I lightly curled my hair and I'm done.

I looked myself in the mirror. Parang may mali. Bakit ganito ako ka ayos para sa isang children's party? Pinilig ko ang ulo ng ma realized na masyadong sexy ang suot ko. Parang hindi babagay sa okasyon.

Nagmadali akong pumunta sa closet ko ng may kumatok. Pinapasok ko naman dahil alam kong si Kuya iyon.

He looked at me with an amazed look.
Alam ko na. Masyado akong over dressed.

"Magpapalit ako Kuya." inunahan ko na siya bago pa man siya magsalita.

"What? No. That's how I like it. Uusok ang ilong ng isang 'yon panigurado. Do not change. Tumawag din si Dale, tayo na lang daw ang hinihintay." sabi ni Kuya.

Napatingin ako sa aking relo'ng pambisig at nakitang 20 minutes late na kami! Gano'n ako katagal nag ayos? Seriously, Zella? Tatlong oras para sa isang children's party?!

Gano'n nga at hindi na ako nagpalit at agad na kaming bumyahe ni Kuya papunta sa bahay ni Suzie. Hindi rin nawala sa isip ko ang sinabi ni Kuya na uusok daw ang ilong ng 'isang 'yon' at alam kong si Taiden ang tinutukoy niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit, at anong problema sa suot ko? Dati na talagang may problema si Taiden sa mga sinusuot ko. Pero ngayon, wala siyang karapatang mag komento sa suot ko.

Gusto ko ang suot ko. Kaya manigas siya.

Nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Suzie ay para na akong dina daga. Parang ayoko ng pumasok ng bahay at gusto ko na lang umuwi! Sa sobrang sama ng pakiramdam ko hindi ko namalayang kinakausap na pala ako ni Kuya.

Nanny and the Beast  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon